Chapter 22: Apple

19 0 0
                                    

Year: 2013, Palawan (3 Months Ago)

Isang linggong nakaratay sa ospital si Noah. Nakiusap ito sa doktor na pauwiin agad kahit may ilang bali pa sa kanyang dibdib. Mula noon at sa nagdaang tatlong buwan ay hindi siya halos umaalis sa pinagyarihan ng akisdente. Lagi itong may bitbit na damit habang nakaupo sa malaking batong kanyang tinamaan. Ininda nito at tirik na araw at masamang panahon. Daig pa niya ang mga rescue team sa paghahanap at pag-aabang sa pinaghulugan ng bus.

Dumating ang araw ng pagbisita ng batang Adam mula sa Saturnino. Agad na lumipad si Noah mula Palawan patungong Batanes. Sa kanyang pagmamadali ay wala na siyang dalang damit. Malugod niyang dinamayan ang kanyang batang nobyo na namomroblema sa mga kaganapan sa JS. Prom. Binigyan niya ito ng mga payo at panay lamang ang kanyang pagngiti hanggang sa tuluyang maglaho ito.

Ang puno ng Narra ay napapalibutan ng magagandang dilaw na bulaklak. Sa bandang kanluran ay makikita ang nagdurugong langit. Unti-unti lumulubog ang araw sa malupit na dagat. Sa gitna ng lahat ng ito ay may isang binatang nangungulila para sa taong mahal niya.

Nakaluhod si Noah habang unti-unting naglalaho ang batang si Adam pabalik sa taong 2006. Kumikinang ang mga naiwang liwanag habang tumatama ang sinag ng araw sa dalampasigan. Malapit sa punong Narra ay patuloy siya sa paghikbi. Nagnanangis si Noah sa kasintahang tatlong buwan nang nawawala. Ang muling pagdalaw ng batang Adam ay nagbigay ng pandaliang kaligayahan. Nakayuko si Noah habang iniisip niyang kayakap pa rin si Adam.

"Ark, my sweet precious Ark," saad ni Noah habang lumuluha sa mga dilaw na bulaklak. Ang mga tuyong talulot ay nalunod sa pighati ng binatang nawalan ng iniirog.

Nakarinig si Noah ng mga kaluskos ng damo. Hudyat ito na may isa pang taong paparating. Nakasuot ito ng bughaw na hoodie at maong na pantalon. Basang-basa ito ng pawis na halatang kanina pa hinahabol ang pinsan niya.

"Noah, did Adam finally appear? Bumalik na ba siya mula sa aksidente?" tanong ni Nico habang unti-unti itong lumilitaw mula sa kagubatan.

Mabilis na pinunasan ni Noah ang mga mata nito habang nakaluhod sa gitna ng mga kumikinang na bulaklak.

"No Nico, that's not the Adam from our timeline," paliwanag ni Noah. Sa kanyang harapan ay ang mga natumbang damo mula sa pagkakadantay ng batang kasintahan. "The one from the school pageant before the J.S. Prom. The one who pretended to be a magician on stage."

Muli siyang humagulgol. Halo-halo na ang kanyang iniisip. Kung ano ang susunod nitong gagawin dahil tatlong buwan nang hindi bumabalik si Adam. Nilapitan ito ni Nico at tinapik sa kanyang likuran.

"Taha na, magiging ayos din ang lahat. I'm sure our own Adam will be back soon."

"Nico, I miss him. I miss Adam so much!" Tanging hinagpis lang ni Noah ang maririnig sa buong talampas. Sumasabay sa ang pag-ihip ng hangin sa damuhan. Humahalo sa tunog ng mga alon sa ilalim ng bangin.

Patuloy lang sa pagluha si Noah habang nasa likod niya si Nico. Sa kanilang gilid ay ayaw paawat ng araw sa pagbagsak sa ilalim ng dagat. Ang kulay pulang langit ay tuluyan nang naging abo. Ang mga dilaw na bulaklak ay tuluyan nang natakpan ng dilim.

Inalala ulit ni Noah ang pakiramdam ng kayakap ang batang bersyon ng nobyo nito. Kanyang ginugunita ang masasaya nilang alaala. Napatingin siya kay Nico na kanina pa nag-aalala sa kanya.

"Nico, I should go back to Palawan"

"Pero Noah, ilang araw ka nang walang tulog! Umuwi na tayo please!"

"Hindi rin ako makakatulog hanggat hindi ko sya nahahanap."

"Pero..."

Mabilis na pinunasan ni Noah ang natitirang luha sa kanyang mukha. Seryoso itong nakatingin kay Nico.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now