Chapter 11: Rule Number Six

19 1 0
                                    

Nakaupo si Noah sa kuwarto niya. Wala itong pang-itaas. Hindi siya makatulog dahil sa pag-aalala kay Adam. Nakayuko si Noah habang nakaupo sa gilid ng kama. Nakapatong ang kanyang ulo sa dalawa niyang kamay habang kanina pa bumubuntong hininga. Abala ito sa kakaisip kung paano magpapaliwanag sa kanyang nobyo nang biglang mag-ring ang  kanyang cell phone.

"Hello. Sino ito?" tanong ni Noah. Maririnig ang pagod mula sa kanyang tinig. Mula sa lamesa sa gilid ng kanyang kama ay nakaayos na ang larawan nila ng kanyang kasintahan. Ang masasaya nilang mukha habang nakatayo sa isang magandang simbahan sa Milan.

"Guess who?" sagot ng pamilyar na boses sa kabilang linya. Natatawa pa ito habang maririnig ang maingay na tugtugan mula sa kanyang likuran.

"Alex?" pagtataka ni Noah. Bahagyang nabahiran ng tuwa ang muka niyang nakasimangot.

"Oo, anong ginagawa ni Ambrosi dito? Puntahan mo nga. Baka mapano ang atay nito kakainom. Eh, hindi naman nalalasing itong si tisoy," paliwanag ni Alex. Ilang metro lamang ang layo nito kay Adam na nakaupo lamang sa bar at abala sa pagtagay ng alak. Natatawa si Alex habang pinapanood ang ibang dalaga at binatang panay ang lingon sa dati niyang kaibigan. Halatang mainit ang ulo ni Adam dahil panay lamang ang pagsimangot nito sa mga nagtatangkang kumausap sa kanya. "He's in my bar. I'll text you the address. Come and get him, Arroyo," dagdag pa ni Alex.

Walang pag-iimbot ay agad na nagbihis si Noah. Muli niyang tinitigan ang larawan nilang magkasintahan bago siya lumabas ng condo at nagmaneho patungo sa bar ni Alex. Ilang minute pa ay naabutan nito si Adam na nakaupo na sa isang VIP table kasama si Alex.

"Hey, Noah. Here!" bulyaw ni Alex mula sa malayo. Nakasuot ito ng itim na sweatrshirt habang abala sa laptop nito. Makikita sa kanyang kanan si Adam na tulala habang may hawak na bote ng beer. Napatingin ito kay Alex nang marinig ang pangalan ni Noah.

"You called him here? What the fuck, Alex?" reklamo ni Adam. Ang mukha niyang kanina ay tulala ay mabilis na sumimangot kasabay ng pagsalubong ng kanyang makakapal na kilay. Mabilis nitong inilapag ang iniinom niya at akmang tatayo na upang umalis. Hindi pa siya nakakatayo nang may biglang  may mga kamay na dumagan sa kanyang mga balikat at napabalik siya paupo.

"Sit down, Adam 'Fucking' Ambrosi!" sigaw ng binatang nakasuot ng puting polo shirt. Kahit madilim ang bar ay nakasuot ito ng shades habang ang leeg niya ay puno ng mamahaling alhas. Dahan-dahan itong ngumiti at inalis ang suot niyang salamin.

"Ethan?" pasigaw na tanong ni Adam. Bagamat naiinis ay hindi nito napigilang mapangiti dahil sa tagal ng panahon  nilang hindi nagkita ni Ethan. Ngayon na lamang silang nakumpletong tatlo.

"I called him too. Bihira ka na lang lumabas. We don't wanna miss this opportunity," paliwanag ni Alex. Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang dalawa niyang kabarkada na nagkukulitan sa kanyang harapan.

"So how are you and him?" tanong ni Ethan habang sinesenyasans si Noah na lumapit na sa kanila. Hindi kumikibo si Adam. Muli itong natahimik sa kanyang puwesto at kinuha ang iniinom niya. "Waiter, apat na Sea Breeze nga for me and my friends," utos ni Ethan.

"Hoy, huwag na. Kanina pa umiinom ito," saway ni Alex.

Agad naman siyang tinitigan nang masama ni Adam. Muli tong lumingon kay Ethan upang pabulaanan ang utos nito.

"Sige lang Ethan, make it five. I want two glasses," saad ni Adam. Umalis ang waiter upang kunin ang mga iinumin nila. Nang malapit na si Noah sa lamesa nila ay agad na napatayo sina Alex at Ethan upang salubungin ito ng yakap.

"Classmate, how are you? Never seen you since college," bungad ni Ethan. Abot tainga ang ngiti nito habang pinipisil ng yakap si Noah.

"Noah, hindi ka na namin nakasama mula nang pumasa tayo sa board exam," dagdag pa ni Alex habang ginugusot ang buhok ng bagong dating nitong kaibigan.

"Oo nga, eh. Architecture school was one hell of a ride. Dumiretso na ako sa company ni Dad after I got my license," paliwanag ni Noah. Dinala ito ng dalawa niyang kaibigan sa tabi ni Adam habang patuloy sila sa pagkukwentuhan. "Kayo, how are you after the boards?"

"Here, I'm a freelancer while starting this bar business. I designed the interior myself," paliwanag ni Alex. Patuloy lamang ito sa pagkuwento habang sinusubukang kapain ni Noah ang kamay ni Adam sa ilalim ng lamesa upang hawakan ito.

"Ako naman, I design houses for a certain home developer. Medyo toxic since maramihan ang pagdating ng clients," dagdag pa ni Ethan. Sa mga oras na ito ay nakapa na ni Noah ang kamay ng kanyang nobyo na marahan niyang hinawakan.

"Salute to my liver for handling the things that my heart fucking can't!" sigaw ni Adam. Mabilis nitong tinungga ang alak.

Tinititigan ni Noah si Adam na abala sa pag-inom. Ang noo nitong kanina pa nakakusot ay agad na kumalma matapos hawakan ni Noah. Sa halip na iiwas ang kanyang kamay ay hinayaan niyang hawakan ito ng kanyang kasintahan.

"And you, Adam?" tanong ni Alex. Isinarado nito ang laptop niya upang mapagtuunan ng pansin ang dating kaibigan. Pansin nito ang malulungkot at nag-aalalang titig ni Noah kay Adam habang kanina pa umiiwas ng tingin si Adam sa nobyo nito.

"I'm good. I just came from the airport," paliwanag ni Adam. Dumating na ang Sea Breeze na inorder ni Ethan at agad na kumuha ng isa si Adam. Bago pa niya maabot ang baso ay agad na inagaw ito ni Noah.

"Ark, tama na," bulong ni Noah. Nangibabaw ang nag-aalalang tono nito sa maingay na tugtugan sa bar.

Mabilis na binitawan ni Adam ang kamay ni Noah na nasa ilalim ng lamesa . Magkasalubong na naman ang- mga kilay nito habang nakatitig sa katabi niya.

"Tsk, I told you I wanna get drunk," giit ni Adam. Mabilis nitong kiunuha ang isa pang baso mula sa tray ng waiter. Nang maibigay na ang lahat ng kanilang iniinom ay muling nagpatuloy si Adam sa kanyang kuwento. "Nasaan na nga ba ako? Oh yeah, I was supposed to surprise my boyfriend in his condo but it's the other way around."

"Adam, come on!" bulyaw ni Noah.

"Oh, anyare?" usisa ni Ethan. Mabilis naman itong sinaway ni Alex.

"Ethan, read the air."

Napatingin si Adam sa kanyang nobyo. Malungkot na nakatitig si Noah sa kanya. Tila walang ibang tao sa bar. Ang mga maingay na tunog ay napalitan ng huni ng mga ibon, tunog ng alon sa malawak na dagat at mahinang kaluskos ng mga dahon. Nakita ni Adam ang pamilyar na mga inosenteng mata ng batang madalas niyang katagpuin sa ilalim ng punong Narra. Mga mata ng batang parang gustong umiyak at nagmamakaawang huwag niyang ituloy ang kanyang sasabihin.

"Nothing, never mind," dugtong ni Adam nang muli itong lumingon kay Alex at Ethan.

"Sus, kala ko kung ano na," singit ni Ethan. Nagsimula silang magkuwentuhan at magkamustahan tungkol sa mga naging buhay nila sa nakaraang limang taon. Patuloy lamang sa pagbahagi ng mga karanasan nila sina Alex at Ethan. Samantalang bilang lamang ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Adam. Si Noah naman ay halos walang imik at hindi ginagalaw ang iniinom nito.

"Oh, Noah. Bakit hindi ka umiinom?" pagtataka ni Ethan. Ilang bote na ng alak ang naubos nito sa kanyang harapan.

"Hayaan ninyo siya. He does not know what he's doing when he's drunk," saad ni Adam habang tumatawa.

"Oo nga, ano? Naalala ko tuloy ang videoke natin sa bahay nila Bien noong high school," dagadag pa ni Alex. Namumula na ang pisngi nito dahil sa kanyang naubos na alak.

Nalungkot si Noah sa mga narinig niya. Alam niyang hindi tungkol doon ang tinutukoy ni Adam. Tahimik lamang ito sa kanyang kinauupuan habang sinusulyapan ang kanyang kasintahan. Nasa malayo ang isip ni Noah, para siyang nalulunod habang  pinagmamasdan ang inaasal ng kanyang nobyo na marami nang nainom. Damang-dama ni Noah ang pagrerebelde nito dahil sa mga nangyari sa kanila ngayong gabi. Muling binuksan ni Alex ang  laptop niya at may inusisa ito.

"By the way, Adam. Ang napag-usapan natin kanina noong dumating ka. Na book ko na ang flight mo sa probinsya ng Nanay mo sa Palawan," saad ni Alex. Mabilis na natauhan si Noah sa kanyang narinig. Napaayos ito sa kanyang inuupuan at napatingin kay Alex.

"Palawan?" tanong ni Noah.  Muli itong napalingon kay Adam at inusisa ito. "You never told me you have relatives there. Where in Palawan?"

Hindi ito sinagot ng kanyang kasintahan. Patuloy lamang si Adam sa pagtagay ng mga iniinom nito. Isang bagay na dumagdag sa kirot ng puso at dinadala ni Noah.

"Amanpulo," mabilis na sagot ni Alex habang tinatagay ang pang-apat na bote nito. Samatalang halos dalawampung walang laman na bote at baso ng alak na ang nasa harap ni Adam ngunit gaya ng dati, hindi pa rin ito nalalasing.

Rewrite the Stars (The Time Traveler's Boyfriend Book 3)Where stories live. Discover now