"Pigtasin Itong Karimlan"
Sa pagbaybay nitong mga barirala
Inaapuhap ng mahinang pagtinta
Batid sana ang ninanais kong salita
Kahit tila nanlalabo na ang mga tala.Lupang pangako, puspos ng pag-asa
Tila nagmaliw na sa dilim, t'wina
Mga pangarap ay limot na harana
Himno ng pait sa lalamuna'y rumagasa.Akala ko ba'y uhaw sa pagbabago?
Bakit umiikot lang naman tayo?
Pawiin na ang sugat nang natuyo
Pigtasin ang karimlan – ating ikalalago.Mas maging makulay pa sa bahaghari
Sariling ahon, atin nang ipagkandili
Pintig ng puso'y puspusang maitili
Wakasan itong mga nais maghari.
YOU ARE READING
Mahal Kong Bayan
RandomMapagpalaya ang wika dahil bagaman katulad ng mga Pilipino ay dumaan ito sa maraming pagbabago, nananatili ang kalakasan nitong iparamdam ang totoo nating damdamin at ang katotohanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbigkas at pagsulat. Ang mga tulang i...