"Kumusta ang Bayang Kinalinga?"
ShineStar_3Sa aking mga kababayan,
Isang mapagpalang araw po! Nagugunita pa po ba ninyo ako?
Marahil ay nasa marangyang kalagayan na ngayon ang iba sa inyo. Ngunit ang ilan ay nananatili sa laylayan. Gayunpaman, nawa'y pareho pa rin nating bitbit ang pagpapahalaga sa mga buhay na naglaho upang maisalba ang ating tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan.
Marahil ay nakausad ka na, habang nangyayari pa rin ito sa iba. Huwag n'yo sanang ipagsawalang-kibo na lamang ang mga natitirang kasakima't karimlan sa minamahal nating bayan. Ibig kong huwag tayong magbulag-bulagan o magbibingihan sa hinagpis ng ating mga kababayan dahil lamang sa tayo'y nakaraos na. Huwag natin silang iwanan.
Sa iisang inang bayan pa rin tayo nagsimula. Kung kayo'y isa na sa mga nakawala sa tanikala, nawa'y hindi ninyo ibaon sa limot ang mga bayaning sa ati'y nagsalba. Tulad nila, sana'y ang inyong puso ay manatiling busilak at puro upang wala nang dugo ang dumanak pa.
Samantala, sa mga hindi pa makaalis sa gapos, sa kabila ng kasamaang inyong natamo mula sa bayang ito, nawa'y manatili pa ring bukas ang inyong pinto. Hayaan n'yo pa rin sanang tumuloy ang mga may ginintuang puso at huwag iwaksi ang pag-asa na kayo'y makakalaya.
Patawad sa lahat ng masalimuot na pinagdaanan, nawa'y piliin pa rin natin ang ating kinagisnang bayan.
Lubos na gumagalang,
Jarie Del Zompreano#UMBuwanNgWika
#UMWeeklyWritingActivity
#UMWeek3
#UMLihamParaSaBayan
YOU ARE READING
Mahal Kong Bayan
RandomMapagpalaya ang wika dahil bagaman katulad ng mga Pilipino ay dumaan ito sa maraming pagbabago, nananatili ang kalakasan nitong iparamdam ang totoo nating damdamin at ang katotohanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbigkas at pagsulat. Ang mga tulang i...