"Galit ako sa Pilipinas"
heihyunnHindi ko alam kung kailan nagsimula,
Ngunit hindi ko rin alam kung kailan mawawala
Kahit pa sabihing dito ako nagmula,
Galit ako sa Pilipinas, hindi ka man maniwalaSa bansang ganito ay mahirap mabuhay
Bawat galaw, mga mata ay nakaantabay
Kaunting tisod, kaunting bulol sa pagbaybay
Sa mga lait at panghuhusga ka hahandusaySarado ang utak ng maraming tao rito,
Mga luma at maling ugali ay dala-dala pa rin n'yo,
Oo nga at iyon ang kinasanayan mo,
Ngunit iba na ang panahon, bakit 'di matuto?May mga naturingang may edad pero tila paslit
Kahit problema ng iba ay nakikisambit
Paliwanagan mo man nang paulit-ulit,
Ikaw na lang ang tatanda sa sobrang kulitAng bilis nilang maniwala sa mga nakikita,
Kahit pinakamaruming politiko ay matutuwa
Ginagawa nang sirkus ang pamamahala,
Aba'y sinasamba pa rin, pambihiraGalit ako sa Pilipinas, iyan ay totoo,
Pero sandali, naisip kong mali pala ako
Ang Pilipinas ay puno ng potensyal na lumago
Ngunit ang totoong problema ay ang mga taoGalit ako sa mga Pilipino, ito ang totoo
Hindi ba kayo nagsasawa sa sistemang ganito?
Ngunit sa kabila ng inis at kagustuhang lumayo,
Umaasa pa rin ako na posible pa ang pagbabago
YOU ARE READING
Mahal Kong Bayan
RandomMapagpalaya ang wika dahil bagaman katulad ng mga Pilipino ay dumaan ito sa maraming pagbabago, nananatili ang kalakasan nitong iparamdam ang totoo nating damdamin at ang katotohanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbigkas at pagsulat. Ang mga tulang i...