Entry #1

6 0 0
                                    

"Mga Paalala ng aking Puso" RoseliaPoessy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mga Paalala ng aking Puso"
RoseliaPoessy

Mahal kong bayan,

Kumusta aking piniling bayan? Batid ko maraming panahon na ang lumipas, maraming pangyayari ang nagbago at kinamulatan ng bawat isa. Subalit, ang ating  kabuaan, ay tunay na nananatili. Kay sarap sariwain ang bawat pangyayaring may paghihirap man, pero taglay ang kagalakan at kabutihan ng ating kabayanihan. Sa kabilang banda, masakit pa rin balikan ang nakaraan. Tila ang pagbabaliktanaw ay isang lason na mahirap gamutin dahil samo't saring pighati't kirot ang natamo ng kapwa nating mamamayan inalay kanilang buhay.

Mga taong unang nakagisnan ang piniling bayan kung saan masalimuot itong naging huling araw. Datapwat, tayo ay gumising sa mga baluktot nitong kataasan, mga pangakong hanggang ngayon walang solusyon at gawa. Buhayin ang tapang, kaibigan! Magmulat ka sa'yong harapan at gamitin sa tama ang iyong talento at natural na kakayahan.Sama-sama natin harapin itong bukás, tapakan ang kamangmangan. Ibihis ang mga kasuotang nagbibigay dangal at buod sa ating kahusayan. Ikaw, ako—tayo mismo ang kailangan ng inang naghihinagpis; itong bayan.

Alahanin ang kabutihan, lawakan ating isipan at habaan ang pasensya kung kailangan. Tigilan na ang lamangan upang walang masaktan pa.Hindi tayo magkalaban dahil anuman ang mangyari, bawat isa ay magkakampi sa hamon na ito. Huwag na natin hayaan pang maubos ang ating kapanalig, tayo ay magdamayan at magtulungan sa bawat oras. Bigyang pansin ang importanteng bagay, at subukan natin patawarin ang mga nagkamali.

Oh aking bayan, huwag sanang iwaglit ang mga simpleng paalala ko. Hindi lamang ito turan ng aking isip, kundi nilalaman din ng aking puso nagmamahal sa inyo.

Nagmamahal,
Roselia Poessy

 Mahal Kong Bayan Where stories live. Discover now