Entry #8

6 0 0
                                    

"Tayo ba'y makatao pa?"
UnknownPN93

Tayo ba'y makatao pa?
Katanungang sa isipa'y diko mabura;
Mga istorya't balita kasi'y sa mundo'y naglipana,
Taong sa hayop ay nanakit, kinuyog kinundena.

Isang motoristang sa daa'y natumba't bumulagta,
Nasagasaan niyang hayop, isang asong gala;
Sambayanang tambay, bantay sa social media,
Imbis na sa tao'y sa hayop pa nag-alala.

Asong sa tao'y nangagat, tinaga't nangisay,
May-aring galit, biktima'y sinumpang mamatay;
Ilang pilantropong nagagalak sa dila ng madla,
Ang inaampo'y hayop hindi batang mahirap at ulila;

Batid kong hindi masama ang sa hayop ay magpahalaga,
Sapagka't tulad natin, sila ri'y may buhay at kaluluwa;
Ngunit ang sabi ng pantas kong nakilala,
Gawang kahit sa kabutihan, magiging masama kung sumobra;

Dito umugat ang ugaling sa kaipokritoha'y sagana,
Pagpapahalaga sa hayop ay lumabis, nakalimutan ang kapwa;
Kabutihan ng kahayupa'y inuna, ang sa kapwa'y inabanduna,
Mata'y mulat sa panig ng aso, ngunit pag sa tao'y nakasara;

Kaya ang pagtataka ko'y abot langit, bakit sila makahayop?
Sila pa ba'y may isip at damdaming sa katawang tao'y angkop?
Mga katanungang sa isipa'y diko mabura,
Tayo ba ay makatao pa?

 Mahal Kong Bayan Where stories live. Discover now