"Karapatang Pantao"
Mga taong walang ginawa kundi ang magbatuhan,
Nakikipaglaban sa mga pulis at patuloy na naghihiyawan.
Mga bote at bato ang kanilang ginagamit para lang makadaan,
Wala silang pakialam basta maisigaw lang nila ang kanilang gustong ipaglaban.Mga kabataan sa lipunan sila ang pag-asa ng bayan,
Ngunit ang iba sakanila ay nasa ibang dakong lugar at nagiiyakan.
Nangangatog at kinakabahan sa pwedeng mangyari sakanila,
Wala silang magawa kundi ang magdasal habang nagtatago sa ilalim ng mesa.Kalayaan at tulong lang ang hangad ng iba,
Pero bakit may ibang politikong ipinagkakait ito sakanila?
Politikong nagpapakasasa sa pera,
Di na lang ipamahagi ito sa nangangailangan talaga.Sana dumating ang araw na makalaya na tayo sa tunay na gyera,
Gyera kung saan masasabi nating ligtas at malaya na talaga.
Sana ang gobyerno'y maliwanagan na,
At para masimulan muling iangat at iwagayway ang ating bandera.
YOU ARE READING
Mahal Kong Bayan
De TodoMapagpalaya ang wika dahil bagaman katulad ng mga Pilipino ay dumaan ito sa maraming pagbabago, nananatili ang kalakasan nitong iparamdam ang totoo nating damdamin at ang katotohanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbigkas at pagsulat. Ang mga tulang i...