"Kakampi at Kalaban"
RoseliaPoessy'Di pangkaraniwan ang mga nangyayari,
Mga suliranin na dulot ay pighati.
Ngunit heto, palaging tutugon at handang makipagbati.
Kahit na peligro sa pagitan ay laging iintindihin, ikaw at ako ay atin.Titindig kahit anuman ang pagdaanan,
Sa ating kinabukasan patuloy kakatha, dahil handang makipagsapalaran.
Ikaw, ako— tayo ay iisa sa bayang sinilangan,
Palaging magkasama sa bawat karerang tatayaan.Datapwat, magkasabay man tayo humarap sa bayang ating kinamulatan.
Nabuo at natuto sa ating mga kamusmusan.
Sa ating pagitan, hidwaan ay makakasalamuha't mararanasan.
Sa susunod na laban, ikaw, ako o siya ay may dalang mungkahing huhusgahan ang layon at kakayahan.Sapagkat, walang permanente sa mundo,
Tatakbo, lalayo at babalik ngunit masisilayan pa rin ang pagbabago.
Dahil sa makabagong modernasasyon may hatid na positibo't negatibong motibo.
Anuman ang ating punto, kasama mo ako sa bawat hamon ng buhay mo.
YOU ARE READING
Mahal Kong Bayan
RandomMapagpalaya ang wika dahil bagaman katulad ng mga Pilipino ay dumaan ito sa maraming pagbabago, nananatili ang kalakasan nitong iparamdam ang totoo nating damdamin at ang katotohanan ng mundo sa pamamagitan ng pagbigkas at pagsulat. Ang mga tulang i...