Hindi alam ni Scylla kung saan siya pupunta. Alam niya na sa condo siya unang hahanapin ni Jie kay hindi siya ron dumeretso. Sobrang bigat ng nararamdaman niya kapag naaalala ang mga narinig kanina. So he was playing with her all along? Was it fun? Mahina siyang matawa. Talagang nag wagi siya sa plano kung ganon 'cause he really fell for his trap!
Ibig sabihin lahat ng ginawa ni Jie ay para lang maniwala ako sa kaniya na gusto niya ako? Mas nanghina siya sa isipang iyon.
Mabibigat ang mga hakbang niya hindi niya rin talaga alam kung saan pupunta. Nang makaramdam ng pagod ay huminga ito ng malalim at umupo sa side walk na una niyang nakita ng mag ikot ito ng tingin sa paligid. Inilagay niya sa gilid ang hinubad na high heels kanina ng tumakbo ito palayo kay Jie.
Kinuha niya ang cellphone at katulad ng inaasahan niya maraming messages at missed calls doon mula kay Jie ang bumungad pero hindi siya nag abala para basahin ang kahit isa roon. Isang unregistered number ang kumuha sa atensyon niya. She opened it at gano'n na lang siya napahawak sa bibig ng makita ang laman ng mensahe. It's Jiedazer and Yumi on the same bed! Jiedazer was half naked! Wala itong lang itaas na damit habang nakahiga sa tabi ni Yumi. She then noticed his tshirt! Ito ang araw na nag paalam siyang pupunta sa party ni Yumi tapos ay sasaglit lang pero hindi na ito nakapag message sa kaniya then morming came he showed up with diffrent clothes. Kaya ba hindi na siya nag pakita nung gabi kahit ang sabi niya ay sasaglit lang?
Napapikit siya ng maramdaman na parang tinutusok ng karayom ang kaniyang dibdib..banda sa puso. Nanginginig na pinower off niya ang cellphone. Mas dumoble ang sakit na nararamdaman niya. Huminga siya ng malalim at Ipinagdikit niya ang tuhod at ipinatong doon ang kaniyang noo. Later on she just found herslef crying. Hindi niya alam kung gaano katagal basta hinayaan niya na lang din ang sarili na umiyak.
Napabalikwas si Scylla ng bangon ng mapag tanto na nakahiga na siya sa malambot na kama at wala na siya sa side walk. Inilibot niya ang paningin at bahagyang napanganga ng makitang ito ang kwarto niya. Kwarto sa bahay ng kaniyang tiyahin!
How did I end up here?! Gulong tanong niya sa sarili.
Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at umawang ang labi niya ng pumasok ang kaniyang tiyahin at ang pinsan nito. Dumako ang tingin siya sa dala ng tiyahing tray ng pagkain.
"Kumusta ang pakiramdam mo, Scylla?" Malumanay na tanong ng tiyahin niya pagkatapos ipatong ang tray ng pagkain sa side table.
Hindi agad siya nakasagot. Gulat pa rin siya at gulong gulo kung paano siya napunta rito. Naalala niya ang huling paguusap nila ng tiyahin at pinsan, hindi iyon naging maganda kaya paanong parang wala lang iyon sa tiyahin niya ngayon?
"Sinundan kita kanina nung tumakbo ka palabas ng venue tapos nakita kita sa may tulay na nakaupo sa sidewalk. Nung nilapitan kita akala ko nawalan ka ng malay buti tulog ka lang at hindi napaano. Nag patulong ako sa kaibigan ko para maiuwi kita rito." Paliwanag ni jessy, ang pinsan niya kaya bahagya siyang tumango.
"Binihisan na rin kita para mas maging komportable ka." Dagdag nito kaya napatingin siya sa suot, oo nga at hindi na niya suot ang gown, nakasuot na siya ngayon ng damit at pajama.
"Uhm. Hindi na ba kayo galit sa 'kin?" Mahina nitong tanong. Hindi niya napigilan ang pagtatanong. Nagkita niyang nagkatinginan ang tiyahin at pinsan.
"Scylla, pasensya ka na. Kasalanan ko ang lahat kaya ka napalayas ni mama. Ako ang kumuha ng pera...sinabi ko rin naman agad kay mama ang totoo kaya kinabukasan pinahanap ka niya agad. Hinanap ka namin pero nalaman ko na nakatira ka ka sa magandang condomium. Nakita ko na may naghahatid sa 'yo palagi papasok at pauwi. Tsaka hindi ka mukhang stress hindi tulad kapag nandito ka sa bahay at sa cafe mukha kang masaya at malaya. Kaya sabi ko kay mama hayaan ka na lang muna." Paliwanag ni Jessy. Nagulat siya sa mga narinig, ibig sabihin alam nila matagal na na kung nasaan siya?
YOU ARE READING
END the GAME (Game #1)
Teen FictionETG | epistolary with narration. Game # 1: Jiedazer The player Jiedazer Varano dared by his friends to play with Scylla Sarmiento, the jejemon girl with big glasses who's hiding behind the books and the one who chatted him on messenger, he doesn't...
