Erin"What's wrong with you?"
"What do you mean?" kunot ang noong sagot ko sa katabi ko na kanina pa ako kinukulit.
Pansin ko ang pagtitig nito sa akin bago nagsalitang muli.
"You've been like this since last week. May nangyari ba?"
"Like what?" Alam ko kung ano ang tinutukoy nya but I just played it cool.
Ayoko munang isipin ang bagay na iyon. Baka tuluyan na akong mawala sa sarili dahil sa propesora naming may saltik ata sa utak. Tsk!
"Stop pretending that you didn't get what I said. Last week ko pa napapansin na para kang sinisilabaan dyan sa upuan mo kapag oras na ng klase kay Miss Parker."
Fudge! Who wouldn't be? Kung ang maganda at mataray mong propesora na kinakatakutan ng buong campus ay walang pasabi akong hinalikan sa loob ng office nya! I don't know what's she's up to kung bakit nya ginawa ang bagay na iyon.
Kahit sabihin pa nating hindi naman sa labi nya ako hinalikan, but still. Ginawa nya pa rin ang bagay na iyon. How dare her leave a mark on my neck?
Damn it! Halos ubusin ko na ang concealer ko pagka-uwi ko ng bahay dahil sa iniwan nyang marka sa leeg ko.
After that incident, hindi ko na hinahayaan na mapag-isa kaming dalawa lalo na't hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mga sinabi nya. She possessively own me na para bang matagal na nya akong pagmamay-ari.
Heck?! Hindi ko alam na may sayad pala sa utak ang babaeng yun. Even though she's flirty gorgeous and hot as f*ck, hindi ko parin kukunsintihin ang ginawa at pinagsasabi nya sa akin.
"Tulala kana naman. Geez! Malala kana talaga, babe," untag ni Irene na syang ikinabuntong hininga ko na lamang.
Hindi tuloy ako nakapunta sa birthday party ng kuya Minho nya dahil sa babaeng yun. Ikaw ba naman ang takutin, e. Ewan ko na lang.
"May iniisip lang and please, stop asking. Sumasakit ang ulo ko sa kakatanong mo," hindi ko maiwasang magtaray. Sumimangot lang ito bago ako inirapan.
"Nandito na si Miss Beautiful!" biglang sigaw ng isa kong kaklase na nagkukumahog pumasok sa loob ng classroom.
Ang maingay na paligid kanina ay biglang tumahimik. Naging maamong tupa bigla ang mga kaklase ko na kanina lang ay halos magsigawan na habang naguusap.
Lalong natahimik ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng aming classroom. Kulang na lang ay marinig ko ang paghinga ng bawat isa rito.
"Good morning class." Plain at malamig na bati ng siraulo naming propesora ng makarating ito sa harapan.
"Good morning, Miss Parker!" Muntik ng umikot ang mga mata ko dahil sa mga kaklase kong bumait bigla.
Nagsimula ng magturo ang propesora namin ngunit wala sa kanya ang atensyon ko kundi nasa librong nasa harapan ko. Ayokong tumingin sa kanya, baka mairapan ko lang sya dahil sa ginawa nya sa akin noong isang linggo.
Hanggang sa matapos ang discussions nya ay hindi ako nagtangkang magtapon ng tingin sa kanya. Ramdam ko ang pagtayo nito sa kanyang upuan at rinig ko ang takong ng sapatos nito na papalapit sa pwesto ko.
I grith my teeth ng tumigil ang tunog ng takong nito sa gilid ng upuan ko. Kahit ayaw ko, nag-angat parin ako ng tingin only to see her serious and emotionless face na talaga namang ikinabilis ng tibok nitong letche kong puso.