Erin"Hi," nagsalubong ang kilay ko ng may babaeng humarang sa dadaanan ko sana.
"Oh, my bad. I'm Zaria Baltazar from the fine arts department, by the way." Ngumiti ito dahilan ng paglabas ng dimple nito sa magkabila nyang pisngi.
Tumitig ako sa mala-tsokolate nyang mga mata dahilan para mailang ito. She combed her smooth hair at akward na tumawa habang nag-iiwas ng tingin mula sa akin.
"Erin," Iyon lang at tinalikuran ko na ito.
I don't know her at hindi kami close. 'Tsaka wala akong balak makipagkaibigan sa kanya o kahit na kanino dito sa paaralang ito. Si Irene pa nga lang at ang pinsan ko para ng sasabog ang utak ko.
"Wa—wait!" Humarang na naman ito sa harapan ko. Problema nito?
"What?"
"Ibibigay ko lang sana 'to sayo." aniya habang ini-abot sa akin ang isang box ng mamahaling chocolate na pansin kong kanina nya pa hawak.
"Anong meron?" tigagal kong tanong sa kanya habang nakatitig sa hawak nya.
Bigla itong nahiya at tumawa ng pilit. Parang may tinitingnan ito sa aking likuran na syang ipinagtaka ko.
Mas lumapit pa ito sa akin ng kunti at parang bumubulong pa.
"I'm really sorry. I don't really want to do this, but I have to." nahihiyang saad nito na mas lalo kong ipinagtaka.
"And?"
"Actually, it was just part of a dare between me and my friend. She challenged me to give it to you. I'm really sorry, Miss." Parang naiiyak pa ito habang nakatingin sa akin. "If I won't do this mawawala sa akin ang baby ko. My Ducati Superleggera V4. Help meeee." marahan nitong hinihila ang damit ko habang may namumuo ng luha sa mga mata nito.
Napahawak ako sa aking noo dahil sa babaeng ito. Maiiyak ka talaga kung ang mahal ng presyo ng bagay na iyon. Sa pagkaka-alam ko 7.5 million pesos ang price 'non.
Rich kid ang gaga!
"Fine, fine. Don't do this again, okay?" seryoso kong saad bago kinuha ang maliit na kahon sa kamay nya.
Halatang masaya ito dahil sa ginawa ko. Kulang na lang pumalakpak ang babaeng 'to.
"Thank you very much. I owe you this one, Miss."
Tinanguan ko lang ito dahil hindi ko naman talaga kakilala ang babaeng 'to. Akma na sana itong yayakap sa akin marahil siguro sa sobrang tuwa ng mapansin kong may isang babae ang syang papalapit sa pwesto namin ngayon.
Madilim ang mukha nito habang seryosong nakatingin sa aming dalawa, especially dito sa kasama ko. And I think she's a professor here base sa suot nyang damit and on how she carries herself.
"Zaria Mish Lim Baltazar."
Pareho kaming napaigtad nitong kasama ko dahil sa lamig at diin ng boses nito. Pansin kong namutla at napalunok pa ito na syang ikinataas ng kilay ko. Mukhang takot na takot sya sa propesorang ito.
"Mi—Miss Thompson."
Kumunot ang noo ko ng irapan ako ng propesora ng lumipat ang mga mata nya sa akin.
Eh? Ba't ba parang may mga saltik sa utak ang ibang guro sa paaralang ito? Tch!
"Erin," agad kong nilingon ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon.
Tumibok ng mabilis ang puso ko ng makita si Stacy na mariing nakatitig sa akin bago lumipat ang mata dito sa dalawang kasama ko.
"Let's go home na," malumanay ang boses nito habang nakangiting papalapit sa akin.