Erin"Ma'am, yung kamay mo po kung saan-saan na napupunta," nakasimangot na saad ko dito sa kasama ko na ang likot masyado.
Nandito na kami sa bahay nya and I'm currently cooking kasi nga nagugutom ako. Pero itong kasama ko parang bulati na sinabuyan ng asin.
She's backhugging me while resting her chin above my shoulder. Minsan inaamoy pa nito ang leeg ko o 'di kaya'y dinadampian nya iyon ng mumunting halik. Tapos ngayon naman ang kamay nito ay nasa loob na ng damit ko—caressing my stomach.
Hindi ito nakikinig kahit anong saway ko sa kanya. Napapabuntong hininga na lamang ako dahil sa katigasan ng kanyang ulo. Para talagang bata minsan kung umasta. Hays!
"I didn't do anything," rinig ko ang pagtatampo sa boses nito. "Buti sana kung bumaba pa ang kamay ko. I am just caressing your abs lang naman. Ang damot mo." dugtong nito bago tuluyang humiwalay sa akin.
Ang strikta at napakataray nito sa loob ng campus pero kapag kaming dalawa lang para syang bata na hindi binigyan ng candy.
Lumingon ako rito, "Kumain na lang po tayo, Ma'am. Tapos na itong niluluto ko."
I diverted our topic because she's frowning right now while looking at me intently. Yung klase ng tingin na parang may ginawa akong kasalanan kahit wala naman.
"Ayoko. Hindi ako kumakain ng mga ganyang pagkain." Umirap ito dahilan para umikot ang aking mga mata.
Nag-iinarte na naman ang propesorang ito. 'Tsaka alam ko naman ang tungkol sa bagay na iyon. Nabibilang nga lang sa daliri ko kung ilang beses pa lang syang kumain ng mga luto ko. Mas gugustuhin pa kasi nitong mag-order ng pagkain sa isang fastfood chain na mukhang paborito nyang kainan.
Palagi na lang steak ang kinakain nito. Mabuti sana kung medium rare or medium well na lang ang pagkakaluto ng steak nya kaso hindi. I don't really like rare steak kaya ang weird nitong kasama ko kung bakit sarap na sarap sya doon.
"Just try it, baka magustuhan mo. Masarap 'to, Ma'am." kumbinsi ko sa kanya habang inilalagay sa soup bowl itong niluluto ko.
"Mas masarap pa sayo o kasing sarap mo?"
Bigla ata akong naubo dahil sa tanong nyang iyon. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at malamang sobra na siguro ang pamumula ng mukha ko ngayon.
Hindi parin pala talaga ako sanay sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Minsan iniisip ko kung propesor ba talaga ang babaeng ito o hindi.
"You're asking nonsense questions again, Ma'am."
Ako naman ang umirap sa kanya ngayon bago dumiretso sa dining table. Rinig ko pa ang mabining tawa nito sa likuran ko na hindi ko na lamang pinansin.
Ayaw nya sa kaldereta ko? Edi 'wag! Bahala syang magutom dyan. Mag order sya kung gusto nya.
"Are you mad?"
Ngumiti ito ngunit poker face ko lang syang tinapunan ng tingin bago ko muling ibinaling ang aking atensyon sa pagkaing nasa harapan ko. Walang imik akong kumain kahit pa ramdam ko ang nakakapaso nyang tingin sa tabi ko.
"Baby, I'm asking you."
Again, wala pa rin akong imik. Bahala syang magsalita ng magsalita dyan.
Bumuntong-hininga ito, "Fine. I'll eat. Feed me, please."
Tinaasan ko ito ng kilay. Ano sya bata?