Erin"Saan kaba talaga uuwi ngayon?" My cousin has asked me nine times now.
Wala syang alam sa mga nangyayari sa akin and I think mas makakabuti iyon sa kanila. Kapag kasi sinabi ko sa kanya ang lahat hindi ito malabong magsumbong sa kanyang ama--kay tito Carlos, ang nag-iisang kapatid ni Dad.
Actually, tito Carlos also tried to adopt me after mamatay ng parents ko, but that asshole Ymar win the case and I trusted him that time. 'Tsaka hindi na ako magtataka kung bakit sya ang nanalo. Kasi sa totoo lang talaga mas may kaya pa ang pamilya nina Mom kesa kay Dad. Kung sana buhay pa ang grandparents ko sa side ni Mom, baka hindi nangyari ang mga bagay na ito.
"I already told you, Kyle. Student assistant ako ni Ma'am Parker."
"And so? Kailangan talaga sa bahay ka nya tumuloy?"
"Well, wala na akong magagawa doon. She badly needs a student assistant right now dahil sa dami ng kanyang gagawin at tatapusin na school works. I don't have a choice but to comply on it," kibit-balikat kong sagot habang kumakain nitong dala nyang chicken sandwich.
"At pumayag ka naman?" naging isang linya ang kilay nito. Mabuti na lang medyo madaling utuin ang pinsan kong ito.
"Why not? It's not a bad choice naman. Who knows? Baka marami akong matutunan mula kay Miss Parker."
Ngumisi ito, "Like ng ano?"
Okay! I take it back. Madali syang utuin minsan pero pagdating sa pagka-berde ng utak sya talaga palagi ang panalo.
"Don't give me that look. Ang manyak mo tingnan."
Tumawa ito dahil sa aking sinabi.
"Hays. Ano ba kasi ang trip mo sa buhay at nag-apply ka ng scholarship?"
Right! Hindi nya alam na hindi na ako sinusuportahan ni Ymar. Ang alam nya lang is nag-apply ako bilang scholar just for fun and experience. Pati yung mga galos ko last week hindi nya din alam na si Ymar ang may gawa no'n. He thought na nakuha ko lang yun sa ka-sparring ko since I am a muay thai athlete. Mabuti na lang hindi nya nakita ang iba kong pasa sa buong katawan.
"I told you. It was fun," giit ko pa using my firm voice.
Ayoko ng magtanong pa ito. Baka hindi kami matapos. 'Tsaka totoo din naman kasi, as long as you're a scholar hindi talaga maiiwasan na maging assistant ka ng mga professor sa school. Only inside the school premises, of course.
Sa part naman ni Ymar, I don't know kung ano ang sinabi at ginawa ni Miss Parker para mapapayag ang lalaking iyon na sa ibang bahay ako tumuloy ng isang buwan. Matapos ko kasing ibigay ang number ni Ymar kay Stacy ay agad nya itong tinawagan para ipaalam ang tungkol sa pag stay ko sa bahay nya. Surprisingly, pumayag ang traydor kong tiyo. Siguro nauumay na iyon sa pagmumukha ko.
"Ang hilig mo sa fun pero wala kapang naging girlfriend. Sus!"
Masama ko itong binalingan ng tingin, "Eh kung ibitin kaya kita patiwarik dyan?"
"Insan naman. Hindi ka naman mabiro dyan," Akward itong tumawa habang dahan-dahang tumayo. Hindi pa ako nakakasagot ng kumaripas ito ng takbo palayo sa pwesto ko.
"Such an idiot," tumayo na din ako sa aking kinauupuan at itinapon ang pinagkainan ko sa basurahan.
I looked at my watch and it's still four in the afternoon. Mauuna na lamang akong uuwi sa bahay ni Ma'am dahil mamaya pang six ang uwian nito.