Chapter 3

575 31 0
                                    


Stacy

"How's your mate?" tumaas ang kilay ko sa tanong na iyon ni Skylar.

"And why did you ask?" Hindi ko naiwasang magtaray na tinawanan lang ng loka-lokang ito.

"Well, I heard that she's your student. How's the feeling na sobrang bata ng mate mo?"

She's trying to pissed me off, I see.

"Really? Coming from you, eh? Anong akala mo sa edad mo kasing bata ni Isabelle? Eww!"

I rolled my eyes ngunit humagalpak lang ito ng tawa dahil sa sinabi ko. Minsan talaga may mga kaibigan tayo na ang sarap sakalin at itapon sa malayo. Tch!

"Chill. Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah."

"And so am I."

Inirapan ko ulit ito bago nawala na parang bula sa kanyang harapan.

Dumiretso na ako sa school dahil namimiss ko na ang batang yun. Umirap ako ng salubungin ako ni Mr. Tolentino na may malaking ngiti sa labi. Hindi ako tanga para di malaman na may gusto sa akin ang lalaking ito.

"Good morning, Miss Gorgeous."

"I didn't know na iba na pala ang pangalan ko ngayon," I answered him sarcastically dahilan para matigilan ito at mawala ang malaking ngiti na nakapaskil sa kanyang labi kanina.

Oh, please. I don't care

"Seems like you're not in the mood right now, Miss Parker." Awkward itong tumawa na syang ikina ikot ng mga mata ko.

"Correction, Mr. Tolentino. Lagi akong wala sa mood every time na nakakasalubong kita. So can you please distant yourself with me? Nakaka sira ng mood ang pagmumukha mo." masungit kong saad bago sya iniwang nakanganga doon. Whatever!

Dire-diretso akong naglakad patungo sa office but I halted on my track when I smelled that familiar scent. Nakapikit ang mga matang sinasamyo ko ang mabangong amoy na iyon. Ramdam ko pa ang pagkinang ng aking mga mata kaya hindi na muna ako nagmulat.

Mate!

"You should treat that," rinig kong sabi ng hindi pamilyar na boses 'di kalayuan sa aking pwesto.

"Shut up, Kyle! Malayo ito sa bituka. Okay?" Iritadong sagot ng isang tinig na syang kilalang-kilala ko.

Erin, that kid. Tsk!

Bago pa magkasagutan ang dalawang yun ay mabilis na akong lumapit sa kanilang pwesto. Ramdam ko ang sobrang inis ni Erin at the same time, rinig ko rin ang mumunting pag-ungol nito na para bang may iniindang sakit sa katawan.

Well, may paraan naman para malaman yun.

"What are you two doing here?" masungit kong tanong, acting that I'm surprised seeing them here.

Ramdam ko ang biglang pagkabalisa ng kasama ni Erin habang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Um, pupunta sana kami sa clinic Ma'am." He's fidgeting, though ramdam kong nagsasabi sya ng totoo.

Why he's so nervous by the way? Parang nakakita ng multo. And please, hindi naman siguro ako yun. I'm too gorgeous to be a ghost. Duh!

"And bakit dito kayo tumambay? Nasa unahan pa ang clinic," malamig kong sambit habang na kay Erin ang buong atensyon ko.

Bite Me, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon