Erin"What's wrong?"
Hindi ko maiwasang mag-alala rito sa kasama ko. Pansin kong kanina pa ito hindi mapakali kahit na hindi sya nagpapakita ng ano mang emosyon sa kanyang mukha. She's been like this for a few days now. I wonder why.
Hindi na din ito masyadong clingy sa akin sa loob ng school though I am the one who suggested it, na talaga namang tinutulan nya pa noong una. I just did it for our own sake. If totoo ngang nagdududa na sa amin ang magaling kong tiyuhin gaya ng sabi nya noong huling pag-uusap nila, then mabuti na iyong dumistansya muna kami sa isa't-isa. Alam kong hindi basta-basta maniniwala sa Ymar kaya sigurado akong may mga tauhan itong itinalaga para manmanan kami.
"Nothing, Mon amour," tipid itong ngumiti sa akin na lalong ikinakunot ng aking noo.
Inilagay ko sa bedside table ang librong binabasa ko bago sya tuluyang hinarap.
"We've been living under the same roof for more than a month now, and I can say that I already figured out if you were lying or not," pansin kong natigilan ito sa narinig. "So care to tell me what's bothering you?"
Weird mang pakinggan pero nararamdaman ko kapag may mali sa kanya. I felt it kapag may bumabagabag sa isipan nya. Maybe we really do have a connection like that, huh?
"I... I wanted to confess something to you, but I'm afraid if you'll like it or not. I don't know if you were able to accept it," humina ang boses nito sa mga huling kataga.
Maagap kong hinawakan ang dalawang palad nito habang mariin syang tinitigan sa mukha.
"Are you pregnant?" Walang paligoy-ligoy kong tanong na talagang ikinagulat nya. Nanlaki pa ang mga mata nito habang naka-awang ang bibig. How adorable!
"No! I mean, not yet pa." ngumuso ito na parang bata na syang ikinabuntong hininga ko.
Hindi naman sa ayaw ko syang mabuntis, but I am still a student. May balak din naman akong bumuo ng pamilya na kasama sya pero sa ngayon gusto ko munang tapusin ang pag-aaral ko, ngunit kung sakali mang buntis na sya then that's really a good news.
A baby is a blessing, not a curse. Lalo na kung pareho nyo namang ginusto ang nangyaring pagniniig then walang dahilan para mag-alinlangan at hindi tanggapin ang resulta ng ginawa nyo.
'Tsaka hindi na din naman ako magtataka kung sakaling mabuntis sya. Ilang beses ba naman namin ginawa ang bagay na iyon, to think na sa loob nya laging.... nevermind!
"Then what is it? Tell me, baby. I am more than willing to listen," masuyo kong sambit bago patakan ng magaang halik ang noo nito.
"Are you sure that you won't leave me if I tell you about my real identity?"
Natigilan ako sa narinig at alam kong napansin nya iyon dahil nakita ko agad ang pagsisisi na rumehistro sa magaganda nyang mga mata. Ramdam kong mas lalo itong nabalisa kaya hindi ko na sya hinayaang mag-isip pa ng kung ano-ano. Mabilis ko syang hinapit papalapit sa akin upang yakapin.
"If you are afraid to tell me who you are, then don't be. I am more afraid of leaving you in this chaotic world," ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. "I won't leave you no matter what happens, mon amour. Please remember that."
"I love you, Erin."
Napangiti ako dahil sa malambing na pagkakasabi nito sa mga katagang iyon.
"And I love you more. Now, tell me what's bothering you. Hm?"
"I don't know if you would believe me," malalim itong bumuntong-hininga bago sinabi ang mga katagang matagal na nyang tinatago. "I am not an ordinary person, Erin. I...I am a vampire."