Prologue

2.5K 167 44
                                    

This novel is fiction.

Everything written here was only a product of my imagination. Names, places, and events used are not existing in real life. In case they do, it's just a coincidence.

Read at your own discretion.

Thank you!

-Minyonette

💜

💜💜

Prologue

Napakahina ng tibok ng puso ko.

Hindi ko halos marinig. Or it's too hurting to even beat. Parang patay na ang pakiramdam ko. Pero siguro, ganoon talaga. Lalo na kung nakikita mong ang nag-iisang taong ginusto at minahal mo ay ikinakasal na sa iba...

"Ciela, where's your fiancé? Isn't he coming yet?" bulong sa 'kin ni Mommy. "Malapit nang matapos ang wedding ceremony."

Inalis ko ang mga mata ko sa mga ikinakasal sa altar bago pa 'ko maiyak. Hinarap ko si Mommy at pilit ngumiti. "I'll call him."

Mabuti na rin siguro na tinanong ako ni Mommy. Para may excuse akong lumabas. Hindi ko na rin talaga kaya ang nakikita ko.

Dala ang aking pink hand purse—na katerno ng suot kong tea-length silk dress, lumabas ako sa gilid ng simbahan.

Nilabanan ko ang panghihina ng tuhod ko o ng buong katawan ko. Para lang makalakad nang malayo hanggang sa makaabot ako sa walang taong hardin.

Umupo ako sa isa sa mga marble-carved bench at kinuha ang cellphone ko sa purse. Huminga ako nang malalim. Pumikit at dinama ang dibdib ko.

Tumitibok pa naman ang puso ko talaga. Siyempre at buhay pa 'ko. Pero parang hirap tumibok dahil parang pinapatay ako sa napapanood ko kanina.

I loved Lorcan Montalvo since I was in high school. Siya lang ang ginusto ko ng ganito katindi. Siya lang ang minahal ng bata kong puso. Inalagaan kong mabuti ang pag-ibig ko sa kanya habang tumatanda ako.

And when I thought I almost had his attention, he slipped through my fingers.

He's now getting married to a distant relative of mine. And because I was expected to be the "good girl" and always "understanding", I couldn't do anything but to accept defeat.

Tumulo ang mga luha ko bigla. Ngunit mabilis ko 'yong pinalis at hinugot ang cellphone mula sa purse.

I dialed my fiancé's number.

"Where are you na, Eli?" bungad ko agad pagkasagot niya ng tawag.

"Hi, baby! I'm actually looking for a vacant parking spot now outside the church. Where are you?"

Gusto kong sumimangot dahil alam niyang hindi maganda sa 'kin ang araw na 'to. Pero talagang nagpa-late pa siya.

Alam niyang masasaktan akong panoorin mismong magpakasal ang mahal ko sa iba, pero mukhang nakangiti pa siya at masaya mula sa kabilang linya. Kung hindi ko lang siya kilala...

Suminghot ako. "Nandito ako sa garden. Lumabas ako sandali dahil hinahanap ka na ni Mommy. At kung katabi lang siguro namin si Daddy, kinulit na rin ako kung nasaan ka na."

"I'm really sorry! Na-late talaga ako ng gising, promise! Kasalanan ko. I'll park now near the garden. Diyan mo na 'ko hintayin."

"Okay. Hindi ko na rin naman kayang bumalik doon nang mag-isa. Malapit nang magpalitan ng vows... I don't know if I can listen to that without totally breaking down."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon