Hi!
You can actually buy the complete reading access nitong story kung gusto niyo ng advance reading. Message my FB Page, "Minyonette" or send us an email (provided on my bio.)
If the advance reading access is too pricey for you, you can just wait for the weekly updates (every Friday night) for free. Thank you very much!
Enjoy Ciela and Eli De Haro! :)
💜💜💜
Chapter 1
"Ciela."
"Huwag kang nagmamadali. Everything great takes time."
Nagluluto ako para sa "Dish of the Day" ng restaurant. Ito ang ginagawa ko tuwing umaga at kasama ang Assistant Chef kong si Victor. Tinuturuan ko ito ng mga specialty ko. Para sa tuwing abala ako ay puwedeng ito muna ang magluto para sa mga customers na nagre-request ng Chef's Best sa menu.
"Ciela, mas matagal ang waiting time kung ganyan kahina ang apoy natin."
"Yes. But we can't sacrifice the softness of the meat. Kapag nagmamadali ka, hindi maganda ang kalalabasan," paalala ko. "We specifically put on the menu outside that our 'Dish of the Day' takes at least an hour to prepare and cook. At 'yong marurunong maghintay, sila lang ang makakatikim nito.
"Pinaghihintay na natin ang um-o-order. So, we must make sure the food is always worth the wait. Iyan ang binabalik-balikan dito sa resto."
Hinalo-halo ko ang caldereta sa malaking kawali. "Huwag ka lang din basta-basta naghahalo ng mga sahog. Do it with care, with passion. With the intention that if this food is the last dish you're going to cook, hindi mo pa ba sasarapan? Hindi mo pa ba gagalingan?"
Sumaludo pa si Victor. "Got that, Chef Ciela!"
I kindly smiled. "People don't mind waiting as long as what they're waiting for is not a waste of time. Kaya huwag kang nagmamadali sa pagluluto. Mahalaga ang dami ng customers sa business. Pero, para mas garantisadong babalikan nila ang resto, dapat quality lahat ng binibigay mo sa kanila. Lalo na sa pagkain."
"Makikinig tayo palagi kay Ma'am Chef," singit ni Keng—isa sa tatlong cook ng restaurant at kaedad ko rin. "Kung pahabaan lang ng pasensya, expert si Ma'am Chef diyan!"
"Really?" Napalingon ako. "You think I'm a patient person?"
"Oo naman, Ma'am Chef!" Pagsali na rin ni Hye na nasa mid-40s na at ang dishwasher dito. "Sanay na sanay ka sa paghihintay at 'take your time'. Ayan, Ma'am, binigyan ka ng kalangitan ng guwapong boyfriend na pakakasalan ka agad. Finally!"
Ah. Natawa na lang ako. Mula nang tinayo 'ko ang HH Diner—ang sarili kong restaurant, pioneer employees ko na sina Keng at Hye. I started this business when I was 25. I just turned 33 years old this year.
Eight years ko na silang kasama kaya't updated sila pati sa estado ng love life ko.
"Akala talaga namin, si Vice-Mayor Montalvo ang makakatuluyan mo, Ma'am Chef!" Ang bartender na si Marcel ang lumitaw ang ulo mula sa counter sa labas ng kusina. "Pero mas boto kami doon kay Sir Eli po! Buti na lang. Ang bait-bait niya po."
"Oo nga, Ma'am. Walang ere sa katawan! Noong Pasko, binigyan kaming lahat ng regalo rito."
"Ganyan siguro talaga kapag marunong maghintay at mahaba ang pasensya! Hinahandugan ng langit ng isang De Haro!"
Natawa na lang ako sa kanila. Kung alam lang siguro nila ang katotohanan...
Pero ayos nang boto sila kay Eli katulad ng lahat ng tao sa paligid namin. Mas matatago ang tunay kong damdamin—na bawal na dapat ngayon dahil may asawa na si Lorcan.