Chapter 11

1.3K 128 34
                                    

Chapter 11

"I'll take care of Ciela for the meantime," mahinahon ngunit seryosong pahayag ni Eli.

Napaangat ako ng tingin sa kanyang kausap sa phone sina Daddy at Mommy.

Nakatagilid ng upo si Eli sa dining chair at nakaharap sa may sala ng condo unit. Tahimik siyang nakikinig sa kabilang linya.

"Yes, Tito, Tita. Yes po. Opo," sunod-sunod niya nang sagot.

I quietly sighed and continued eating my food. Gutom na gutom na kasi talaga ako. Kaya't nang nalaman ni Eli, binigyan niya agad ako ng pagkain pagka-akyat namin sa unit niya. Meanwhile, Cloudy is walking around the large unit and sniffing every corner.

"I have three rooms here, Tita. I'll make sure she'll sleep in a different room from mine. Promise po. At saka magla-lock po ako ng pinto ko sa gabi para hindi ako pasukin bigla ni Ciela."

Mahina akong natawa. Nakangising napatingin sa 'kin si Eli at kinindatan ako.

Ang loko niya talaga! Nabibiro naman ng ganoon ang mga magulang ko. Ewan ko lang kung matutuwa sa kanya ngayong nag-aalala sila sa 'kin nang sobra.

"I'll make sure Ciela will be able to relax here. Ang tagal na rin po kasi nang huli siyang nakapagbakasyon mula sa trabaho, Tito. Po? Ah, it's better if we just let her be, Tito Lusio. Kahit hindi na po kayo sumunod dito. Okay lang po si Ciela sa 'kin."

Tumango-tango ako at saka nagpatuloy sa pagkain. I'm just eating some Japanese rice balls that Eli prepared for me quickly. Ang sarap nga at nakailang rice balls na 'ko.

"Huwag na po kayong mag-alala. Sorry rin po pala na nag-panic ako kanina. Hindi ko rin po alam na may pa-surprise visit pala sa 'kin ang anak niyo. Pasensya na po." Napakamot ng ulo si Eli. "Buti na lang po, na-miss lang po pala ako kaya sumunod sa 'kin. Alam po kasi ni Ciela na hindi ako papayag na isama ko siya pauwi rito. But since she's here, I'll take care of her. Yes, Tito, Tita. I'll talk to her once she's rested. Sa ngayon po, hayaan po muna natin siyang makapagpahinga. Gusto lang po siguro talaga niya ng new environment for now."

Hinayaan ko na lang si Eli lumusot nang lumusot. Sabi ko naman, puwede niyang sabihin lahat ng alibi sa parents ko. Basta hindi 'yung totoong rason bakit ako naglayas muna.

"Ano po ulit, Tita? Ah, you want to talk to her po?" Lingon sa 'kin ni Eli.

Mabilis akong umiling habang ngumunguya-nguya pa ng pagkain.

"Tita, pagod na pagod kasi talaga si Ciela. Hindi pa nga rin po kami nag-uusap. Hinayaan ko lang po siyang magpahinga muna agad." Eli winced at the subtle lie.

Tumahimik si Eli ng ilang minuto. Siguro'y nakikinig na ulit sa walang katapusang bilin at paalala ng mga magulang ko. Ngayon ko lang naisip, ang tanda-tanda ko ma pero tingin pa rin nila sa 'kin ay bata.

I should always have a bodyguard when leaving solo. I could not spend a wholesome night with Eli because they probably think something's going to happen before marriage.

When I was in training in Singapore as an assistant chef, Mommy was living with me. Dati, ang saya ko pang sinamahan ako ni Mommy dahil unang beses kong titira sa ibang bansa.

Pero ngayon ko lang napagtanto na hindi kaya nasasakal ako noon pa? Hindi ko lang ramdam kasi mabait naman sa 'kin ang mga magulang ko at binibigay sa 'kin ang lahat? O talagang sunod lang ako nang sunod kasi I was expected to be a good girl?

"Hindi ko pa po alam kung hanggang kailan po gustong magbakasyon ni Ciela rito. Pero siguro po, two weeks? Since we have a lot to do before the wedding."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon