Chapter 9
"Eli!"
Tumigil na 'ko sa pagtakbo. Hinihingal na 'ko dahil kanina pa kami paikot-ikot ni Eli sa labas ng kotse niya.
Buti na lang at wala nang dumadaang ibang tao o sasakyan sa kalsada. I really believe we look two stupid adults running around like children.
"You're hurting my feelings!" Naiinis kong duro sa kanya. I'm standing in front of the car's hood, while he's "hiding" at the car's rear.
"You rejected me and now you're making me chase you?!"
"Babe, I rejected your offer because I know you don't need sex." Hininaan niya ang boses pagkabanggit ng huling salita.
"You're upset, I understand," patuloy niya. "Kailangan mong mailabas iyan. But believe me, sex is not an option."
"I want it!"
"You don't! You don't want it. You don't need it."
After I asked him to make love to me, bigla na lang siyang lumabas ng kotse. At nang sinundan ko siya at tinangkang lapitan, lumalayo si Eli. Bawat lapit ko, lalayo siya.
That's why we end up chasing in circles around the car. At hindi ko alam kung matatawa na para kaming mga batang naghahabulan. O maiinis dahil feeling ko, nandidiri sa 'kin si Eli kaya't layo nang layo sa 'kin!
"Ciela Nadeleine, listen to me! Please. We'll process your feelings together. You don't have to do something that you might regret later."
Kumilos ako para lumapit sa kanya pero kumilos na naman siya palayo. Ngayon, nasa right side ako ng kotse, habang nasa kaliwa siya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "What will I regret? I'm going to marry you anyway. If I give myself to you now, ganoon lang din. Advance lang!"
Napangiwi siya. "Huwag na nating i-advance. Since magpapakasal na rin tayo, gawin na lang natin nang tama."
Sinubukan kong umikot papunta sa side niya. But Eli moved away again. Sinubukan ko siyang salubungin sa kabilang side, pa-counter clockwise. Pero mabilis siya at pa-counter clockwise na ring gumalaw para makaiwas.
"Elizardo!" I pouted. "Just tell me you don't want to make love to me because I'm not your type."
"Bakit ako magsasabi ng walang katotohanan?"
"Kung type mo 'ko, hindi mo 'ko tatanggihan."
"Crush nga kita, eh. Kaya ayokong mag-take advantage sa vulnerable state mo ngayon. Been there, done that. It feels awful."
Napasandal siya sa kotse dahil siguro sa pagod. "You're shaken about the annulment thing and that's valid."
Napapikit siya at saka napabuga ng hangin. "Baby, if you want to cry, I'll hold you in my arms. All night if I must. Pero hanggang doon lang. I will never ever give comfort that you don't really n—Ciela!"
Muntik ko na siyang mahablot dahil tahimik akong lumapit sa kanya habang nagsasalita siya. Kaso ay biglang dumilat si Eli at nakatakbo agad palayo.
So, I chased him again. And we end up running in circles around the car. Again.
Nakikita siguro kami ni Cloudy mula sa bintana dahil naririnig ko na ang maliliit na tahol nito kanina pa. Akala ba ni Cloudy, naglalaro kami ng Daddy Eli niya?!
Hanggang sa hiningal na naman ako nang malala. Huminto ako sa pagtakbo at napatukod ng kamay sa trunk ng kotse.
"I-I'm... t-tired..." I said while catching my breath. Napahawak ako sa dibdib kong walang kasimbilis ang hampas ng puso. "I'm... so... tired..."