Chapter 5

1.1K 106 68
                                    

Chapter 5

I was able to reclaim my sane mind when Eli pulled me inside my office.

"Elizardo Leor De Haro!" Hinampas ko siya sa dibdib. "What did you do out there?"

Inosente siyang ngumiti. "Sinalubong lang naman kita ng pagmamahal."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "The whole restaurant saw us! That's too much PDA. Hindi ako ready!"

Nakangiti pa rin si Eli. Parang naaaliw na naman sa "galit" ko. Mukha na naman siguro akong cartoons sa isip niya.

"Bigla mo 'kong binuhat. And then, you kissed my neck! In front of the customers, and my employees, and the... the... plants!" I still continued bursting out my shock.

Ayaw kumalma nang malalakas na tibok ng puso ko.

"Why did you kiss me on my neck? It tickled me!" saway ko pa sa kanya. "Ikaw kaya ang bigla kong halikan sa leeg in front of many people?"

Pero mali yata ang sinabi ko dahil lalong napangiti si Eli. "Okay lang naman."

"Eli!" Tinalikuran ko na siya. Nag-o-overreact yata ako. Hindi ko alam.

"Hey, babe." Naramdaman kong lumapit siya sa likod ko. Then, Eli held my waist. "I'm sorry. Are you mad because Lorcan might have seen us? Dahil 'yon talaga ang intensyon ko."

Lumayo ako ulit para maiwasan ang paghawak niya sa baywang ko. Hindi ako nagsalita.

"Gusto kong ipakita sa kanya na may isang lalaking masayang masaya sa babaeng pinaasa niya lang," Eli softly explained.

Hindi naman totoo 'yon. We both know the truth. But I remained silent rather than point that out.

"Walang 'mayor-mayor' dito," patuloy ni Eli. "Dapat makita ni Lorcan na wala ka na talagang pakialam sa kanya kahit mayroon pa talaga."

Naramdaman ko na naman ang paglapit ni Eli sa likod ko. Hindi pa rin ako umimik. I'm focusing on how I can make my heart return to its usual beat.

Nanahimik kaming dalawa sa loob ng opisina ko. He didn't touch my waist, again. But I can feel the heat of his chest at my nape. Na kung aatras lang ako ng isang hibla, puwede ko na siyang masandalan.

"Hindi mo talaga gusto ang ginawa 'ko?" Now, Eli sounded guilty.

Hindi pa rin ako sumagot.

He sighed in defeat. "I'm sorry, baby. Hindi ko na uulitin."

Napakurap ako at nilingon na siya. "Don't kiss me on my neck, again."

Eli obediently nodded. "I'm sorry I made you uncomfortable." Hindi na siya nakangiti.

Humina na ang tibok ng puso ko. Kasi natunaw naman sa sinserong pagso-sorry ni Eli.

Ako naman ang naka-feel ng guilt. Parang dapat hindi 'to big deal. I'm just reacting out of shock, and not in total anger.

"I'm sorry," sabi ko na rin. "Hindi ako galit. Nagulat lang ako. I-It's... ahm, I felt like the neck kiss was too intimate for people to see. At kahit makita naman 'yon ni Lorcan, wala lang siyang pakialam. So, the neck kiss was not really necessary."

So, ang issue ko ay doon talaga sa halik sa leeg.

"Hindi na kita hahalikan ulit sa leeg, unless you gave me permission next time," pangako ni Eli. Parang batang natututo na ng leksyon. "Hindi kita hahalikan without your consent."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon