Chapter 2

1.5K 123 33
                                    

Chapter 2

"Sarado po kami ngayon. Pasensya na po."

Napakurap ako. "Ahm, bakit po? Holiday po ba ngayon?" Nagtatakang tanong ko sa security guard ng munisipyo. Ang alam ko, normal weekday lang naman.

Magpapasa na sana ako ng requirements namin ni Eli para sa marriage license application. Magpapa-confirm din sana ako ng schedule for pre-marriage seminar. Uuwi ng Sta. Carmina sa Sabado si Eli. Kukuha na sana ako ng slot para maka-attend kaming dalawa sa seminar.

Once we get the certificate from there, we'll pass it and just wait for our marriage license.

Gumising ako nang maagang-maaga, nag-ayos, at pumunta agad sa munisipyo para sana maiwasan ang mahabang pila. Kaso ay sarado pala.

"Ma'am, pasensya na po. Bumalik na lang po kayo bukas. Siguradong magbubukas na po ang munisipyo at ang Local Registry," mabait na tugon naman ng matandang guard. "Sa ngayon lang po, alam niyo na po sigurong may kaunting kaguluhan lang sa opisina ng alkalde. Kaya wala po munang kahit anong transakyon ngayong araw."

Napakurap-kurap ako. Mayroon palang kaguluhan?

Napatingin ako sa paligid ko, maraming tao ang dumadating. Pero hindi sila lumalapit sa nakasarang munisipyo. Mukha nga rin silang... malungkot?

"What happened, Manong?" I softly asked out of curiosity. Wala kasi talaga akong alam.

"Nakakalungkot po at ang butihin nating alkalde na si Mayor Saulo ay wala na po sa puwesto. Natagpuan po siya kaninang madaling araw na... na bumigay na po ang kanyang tamang pag-iisip."

Mangingiyak ang manong guard sa lungkot. Napasinghap naman ako nang mahina. Bumigay sa tamang pag-iisip?

I lightly tapped the security guard's shoulder. "Ibig niyo po bang sabihin... n-nasiraan po ng bait si... Mayor?"

Tumango ang guard. "Nakakalungkot po, Ma'am. Biglaan. Napakabait na alkalde ni Mayor Laforteza. Ang balita po, pinasok na siya sa mental sa kabilang bayan..."

Oh, my! Alam ba nila Daddy 'to? Umalis kasi ako kanina na tulog pa sila ni Mommy. Kahit hindi kami close sa side ng mga Laforteza, kamag-anak pa rin namin si Mayor Saulo. And he was found... suddenly insane?

Kumuha ako ng tissue sa bag ko at binigay sa guard. Ang lungkot-lungkot kasi talaga nito at halatang nilalabanan talaga ang mapaluha

I'm not entirely impressed with Tito Saulo or Mayor Laforteza's leadership. But yes, he's not that bad as Sta. Carmina's mayor.

Naalala ko rin ang kuwento sa 'kin ni Eli. Kaya raw napunta si Naomy sa poder ng mga De Haro dahil tinakasan ng babae ang ama nito.

No one knew how she was mistreated harshly by her own father. Malupit pala ang Mayor sa loob ng bahay nito. Ngunit kapag nakaharap sa ibang tao, sobrang bait.

"Sige po, babalik na lang po ako bukas. I'm sorry to hear what happened to our town mayor. Magiging okay din ang lahat, Manong."

Tumango ito. "Salamat, Ma'am. Bukas ay baka umupo na rin ang Vice bilang bagong mayor kaya't makakabalik na po sa normal na trabaho ang mga nasa munisipyo. Naghihintay lang din po kami ng utos sa itaas."

Doon ako tuluyang natigilan. Kung ganoon, si... si Lorcan na ang magiging bagong mayor ng Sta. Carmina?

Parang may kumurot sa puso ko. Alam ko kasing pangarap ni Lorcan 'yon mula pa noon. At biglaan, alkalde na ito pagkatapos lang ng isang buwan pagkatapos nitong magpakasal sa babaeng minamahal nito...

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon