Chapter 8

1.3K 115 12
                                    

Chapter 8

"Who's filing the annulment? Have you read the names in the papers?"

Katulad ng reaksyon ko kagabi, namimilog—dala ng gulat, ang mga mata ni Eli pagkatapos kong magkuwento.

Hindi ako nakatulog buong gabi kaya't nang sinundo niya kami kanina ni Cloudy sa bahay, nahalata niya agad na nanlalalim ang mga mata ko. Hindi rin ako gaanong makausap nang matino dahil tila lumulutang ang isip ko.

On the way to the vet earlier, I wasn't able to talk properly. Parang tinatantiya ako ni Eli kaya't hindi rin siya gaanong umiimik. But right after Cloudy got the vaccine, hindi na rin nakatiis si Eli.

Nasa family park na kami. Ngunit nanatili lang kami sa loob ng kotse sa parking lot. Eli started to ask me questions. At hindi ko na naitago pa sa kanya ang nakita ko kagabi.

I think I'm still in shock and in deep confusion right now. My heart's still beating. But every pump hurts. Yet, I couldn't shed a tear yet.

"Ciela." Humarap ang buong katawan ni Eli sa 'kin. He reached for my thigh and gently squeezed it.

Napalunok ulit ako. Kahit bumaling ako sa kanya, lagpas-lagpasan ang tingin ko. "S-Si M-Mommy... P-Pangalan ni Mommy ang nag...sa...sampa..."

Parang hindi ako makahinga, kagabi pa. Kung hindi lang may sariling survival instinct ang katawan ng isang tao, nakalimutan ko nang huminga nang maayos.

"Si Tita Eden ang gustong makipaghiwalay kay Tito Lusio?" paninigurado ni Eli sa mga sinabi ko.

Napatango na lang ako.

Eli sighed heavily. "This is impossible. I didn't notice any indication that something's going on with your parents' marriage. Sobrang magkasundo ang Daddy at Mommy mo, Ciela."

Yes, exactly! That's what I've been pondering about! There were no signs that my parents' marriage is on the rocks! Walang kahit anong indikasyon na... na may gustong makipaghiwalay sa kanila!

At si Mommy pa? Si Mommy pa ang gustong makipaghiwalay? I know her as someone who can endure and love until the end! Ganoon din si Daddy!

Iyon ang pinakita nila sa 'kin mula pagkabata ko! Iyon ang pinaramdam nila sa 'kin! Kaya't hanggang ngayon, hindi ko ma-proseso nang maayos ang nakita ko.

There's no way their love was falling apart!

Or... or nagsisinungaling sila sa 'kin? Nagpapanggap sa harapan ko?

Pumikit ako at nasandal na lang ang ulo sa headrest. Wala pa 'kong tulog, nahihilo na 'ko sa kakaisip. Ang sakit-sakit na ng puso ko.

I wanted to cry but my tears won't fall! I felt very lost. And I cannot accept that my parents are going to separate. Kailan pa nila sasabihin sa 'kin?

Bago ang kasal namin ni Eli? Pagkatapos ng kasal namin?

"H-Hindi ko sila m-matanong kahit gusto k-ko..." Kusa kong sinambit. "I wanted to confront them but... but I don't even know how to start talking to them if I don't even want... to s-see their faces..."

Bago kami umalis kanina ay tuloy-tuloy ako sa paglabas ng bahay. Hindi ko na rin hinayaan si Eli na pumasok pa at batiin sina Mommy at Daddy na siguradong nagbe-breakfast na sa dining room.

Gustong-gusto ko nang makaiyak. Para kahit papaano naman ay mabawasan ang bigat at sakit sa dibdib ko.

I easily cried when Lorcan dumped me before. I'm sure what I found out last night hurts me more than Lorcan stopped dating me. Pero bakit hirap na hirap tumulo ang mga luha ko ngayon?

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon