Chapter 4
Sumilip muna si Eli sa loob, luminga-linga. Pagkatapos ay saka siya lumingon sa 'kin. "Okay. The coast is clear."
Tumango ako at sumilip din sa loob. Maraming tao sa loob ng munisipyo at mukhang hindi naman biglaang magpapakita si Lorcan.
Hinawakan ni Eli ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob. Deretso lang ako sa nilalakaran ko. Habang si Eli ang malikot ang mga mata. Sinisiguro talaga na hindi namin basta ma-e-encounter si Lorcan.
Hanggang sa makaakyat kami ng fourth floor at makarating sa Local Registry, hindi namin nakasalubong ang lalaki.
I sighed in relief. "We just have to pass these. Then, we're going to leave."
Hindi pa gaanong kahaba ang pila dahil maagang-maaga pa. Pangatlo kami ni Eli sa pila at matiyaga kaming naghintay.
Mabilis din naman kaming na-entertain. Pinasa namin ang Certificate of Attendance ng pre-marriage seminar at nagpakita kami ng valid IDs. Nang makita ng taga-process na nakumpleto na namin lahat ng requirements, binigyan kami nito ng claim stub.
"Ire-release po ang Marriage License niyo after 10 working days. Dito niyo lang po ulit kukunin."
"Puwede bang ipakuha na lang sa iba, Miss? Magpapadala na lang kami ng authorization letter?" tanong ko.
"Puwede rin naman po." Napatingin ang babae kay Eli. "Sir, De Haro po kayo, tama po? Kayo po ang apo ni Don Eloy De Haro?"
"Isa nga po ako sa maraming apo ni Lolo," magalang na tugon ni Eli.
"Ang guwapo niyo po talaga! Puwede pong magpa-picture?"
Pinigilan ko ang matawa nang makitang parang nahiya bigla si Eli. Bakit? Hindi ba siya sanay na nasasabihan ng guwapo?
Napakamot siya sa likod ng ulo. "Nako, hindi po kasi ako artista."
"Sikat po kayo rito sa Sta. Carmina."
"Oh?" Natawa si Eli at namula nang kaunti ang mga pisngi.
Bumigay na 'ko sa tawa ko. Ngayon ko lang siya nakitang mahiya. He blushes pala!
"Akala ko po 'yung isa kong pinsan ang sikat dito."
"Ang guwapo rin po niya, Sir."
"Oo. Kaso hindi sinipot sa kasal last year, ano?" Banat ni Eli sabay tawa.
Hinampas ko siya sa dibdib. Ang cruel kasi ng joke niya kay Lonzo. "Hey, that's bad, babe."
"Ay, sorry." Pero nakangisi pa rin siya. Kundi ko lang alam na may selos kasi siya kay Lonzo dahil ito ang asawa ni Naomy, iisipin kong talagang bad siya.
"Sige po, Miss, picture na tayo," mabait na pagpayag ni Eli. "Pero kasama ang girlfriend ko sa picture, puwede?"
"Puwede na puwede, Sir!"
"Huwag mong ika-crop si Ciela ko, ah?" Biro pa ni Eli at nagtawanan na sila ng taga-process.
Mabuti na lang at wala pa kaming kasunod sa pila. Wala naman kaming naabala sa pagpi-picture namin. Hanggang sa pati ang ibang ka-officemates ng babae ay sumali na sa picture.
Tuwang-tuwa naman ang mga ito at nagpasalamat pa sa 'min ni Eli. Sinabihan pa kaming ipa-priority ng mga ito ang pagre-release ng marriage license namin.
Bago kami lumabas ni Eli ng Local Registry office, siya muna ulit ang sumilip sa labas ng pinto. Nagpalinga-linga.
Pinisil niya ang kamay kong hawak niya. "The coast is clear, babe. Ako lang ang guwapo rito."