Chapter 7
"It was effective! I just thought about some memories we had in high school. And there! Hindi ako na-hypnotize sa mga mata ni Lorcan, Eli!"
"Good job, babe! Ano namang high school memory natin ang binalikan mo?"
Inilipat ko sa kabilang tainga ang cellphone. "The first time that I met you and Lonzo."
"Ha? Bakit naman kasama si Lonzo?"
"Because that's the first time I met you! Hinatid ka ni Lonzo sa room ng TLE Club. Galing kayong clinic magpinsan, right? Ikaw lang ang student na nakita kong mahilo-hilo na pero nakangiti pa rin."
May sinat yata si Eli or something that time. But he still chose to attend the org meeting because he's an officer.
The memory was vivid, it actually surprised me. I didn't know it was stored in my subconscious mind for so long.
Nasa pinakadulo ako ng room nakaupo niyon kasama ang bagong members ng TLE Club. I'm just thirteen and in first year high. Then, when the meeting was about to start, the room door opened.
Dalawang naka-school uniform na lalaki ang nakita ko. Isang nakasimangot at isang nakangiti.
'Yong nakangiti ay naka-akbay at tila nanghihingi ng suporta at balanse doon sa nakasimangot. Sila na pala ang mga De Haro na pinag-uusapan ng mga girl classmates ko dati pa.
Mas ahead lang sila sa 'min ng isang taon. Dati ko pang naririnig ang apelyido nila, elementary pa lang. Dahil parehas kaming lahat na nag-aral sa Claveles Children School. Pero nakita ko na lang sila nang ganoon kalapit kung kailan high school na kami.
The one with an irritated frown and deep eyes—Lonzo De Haro.
The one with a jolly smile and happy eyes—Eli De Haro.
I remembered I automatically smiled that time when I saw Eli's smile. I like his smile. Nakakahawa ang mga ngiti niya. Naaalala ko sa kanya ang masayahin din naming aso noon na si Adonis.
"Going back, the whole time you served the food, you didn't freeze in front of him?" Eli asked from the other line.
"Yes!"
I'm lightly bouncing while kneeling on my bed out of glee. Napaangat ng ulo si Cloudy na matutulog na sana pero umuuga ang kama.
I'm just genuinely happy with that little self-victory. Unang beses kong hindi matulala sa harap ni Lorcan! Nabubulol pa rin ako nang kinausap ako nito. But I managed to respond with a complete sentence!
At hindi nga masyadong nagtagal na kausap ko si Lorcan dahil mas nabaling ang pansin ko kay Tita Leah.
I recalled the conversation earlier...
"I heard you're getting married to a De Haro, hija?" masayang panimula ni Tita Leah pagka-serve ko ng Chef's Best sa kanila. Sinulyapan nito ang engagement ring ko at saka tumingala sa 'kin.
Ngumiti ako. Mas na-boost ang pag-iisip ko kay Eli dahil siya ang topic. "Yes, Tita. If you're familiar with Elizardo De Haro..."
Kumislap ang magagandang mata ng ina ni Lorcan. Hindi sila magkatulad ng mata ng anak dahil nagmana yata si Lorcan sa late father nito.
"Oh, that smiling and nice boy? I was good friends with his mother way back when Huberta was still alive. I'm glad. Bagay kayo, hija."
"Thank you po, Tita." Napangiti lalo ako. Ewan ko ba pero lagi ko namang naririnig sa ibang tao na bagay kami ni Eli. First time kong mapangiti nang tunay nang marinig na naman iyon.