Chapter 10

643 104 20
                                    

Chapter 10

Totoo pala ang sinasabi sa 'kin ng mga kaibigan ko—way back high school pa. Lalo na sa mga naghiwalay na ang mga magulang.

Minsan, sa sobrang sakit ay mamanhid ka na lang.

Somehow, I slowly connected some pieces as to why my mother wanted an annulment from my father.

Kahit ano palang gawin kong iwas na marinig ang explanation ni Mommy, parang nakuha ko na rin ang dahilan. Daddy's toilet conversation with his friends easily led me into thinking that my mother could have been the one silently suffering in the marriage.

Akala ko, si Mommy ang masama at biglang makikipaghiwalay na lang basta kay Daddy. Pero, eto pala at may significant past si Daddy kay Tita Leah.

Si Tita Leah na ina ni Lorcan... At si Lorcan na tanging lalaking nagustuhan ko mula pagkabata ko.

How ironic that history just repeats itself. Tita Leah dumped Daddy. Lorcan dumped me.

Si Mommy, naging panakip-butas lang?

Gusto kong matawa pero manhid pa rin ang pakiramdam ko.

Kaya nga hindi ko alam kung paano akong nakakilos ng mga sumunod na araw at mga linggo. Parang naka-"pilot mode" lang ako. Auto-survival mode.

Gigising, kakain, magta-trabaho, matutulog, at uulit lang sa umpisa.

But I was able to fake my smiles and laughs. Kaya siguro walang napansin ang mga empleyado ko.

Sa bahay? Hindi na 'ko halos nagpapakita kina Mommy at Daddy. Pagod talaga ako sa trabaho palagi. Kaya't sa tuwing susubukan nila akong lapitan at kausapin, totoo ang pinapakita kong pagod. Hinahayaan na lang nila akong magpahinga kapag ganoon.

Kahit minsan, hindi pa naka-tiyempo si Mommy na makausap ako nang maayos. Para namang naghihintay lang si Daddy na ako ang lumapit sa kanila.

May mga araw na sa opisina ng restaurant na 'ko natutulog. Doon na rin ako nagbe-breakfast, lunch, at dinner. Nagawa ko na noon iyon noong nag-uumpisa pa lang ang negosyo at tutok na tutok ako.

Isa lang ang nakahalata sa odd behavior ko—si Eli.

"You're still busy?" tanong niya habang nakaupo sa puwesto ko sa opisina. Kalong niya si Cloudy. "Babe, tatlong linggo na tayong hindi nakakapag-spend ng quality time!"

"I'm still training the new assistant manager, Eli," mahinhing sagot ko habang nakatayo sa harap niya. May mga inaayos akong papeles sa lamesa.

"Sabi ni Fatima, puwede namang siya na ang mag-train kay Sharon."

Umiling ako. "I personally want to train Sharon since she's going to take over for a while—" Napahinto ako saglit. Nadulas ako...

"Takeover? Bakit, babe? Saan ka pupunta?" Eli was sharp enough to ask.

Bumuga ako ng hangin. "I mean once we got married. May two-weeks honeymoon tayo, hindi ba? Kanino ko iiwan ang restaurant ng ganoon katagal?"

Hindi ko na tiningnan si Eli. Nagtuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko. I sorted all the important documents and quietly wished he would believe me.

"Sabagay. We only have five weeks now. Excited ka na ba?"

Kahit hindi ko nakikita si Eli, siya ang mukhang excited dahil sa tono niya. Napalunok ako. "Of course, Elizardo."

"Ang serious mo kapag nasa 'boss' mode ka. Hindi ka rin tumitingin sa 'kin. May problema tayo. Sure ako."

Napapikit ako. "Wala tayong problema together, Eli."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon