Simula sa vacant hanggang sa pag uwi namin kasabay ko lahat ng mga kaibigan ko para kaming mga tukong hindi na magkakahiwalay ... Una sa lahat ang bestfriend kong si Justine Calles, kahit di katangkaran 'to mabait yan,maganda at matalino pa ... Perfect girl sya para sakin ... Tapos si Bianca Gabuco,ang singer ng grupo masyado nyang favorite ang High School Musical at Glee halata naman sa kanya eh, kumakanta nga sya diba!!! Haha ... Si Joedlyn Mordeno, ang pinakamatangkad sa grupo namin gusto niyang maging isang flight steward sa eroplano masyado syang pinagpala ni Lord sa pagiging matangkad niya ... Si Rhealyn Poyaoan, ang journalist samin marunong syang magbigay ng payo ... Kaya kapag may problema ako sa kanya ako lumalapit ... At si Bernie Nievares, ang ... Hindi ko malaman kung lalaki ba talaga sya o nagpapanggap lang kasi sa itsura oo lalaking lalaki yan ... Wag niyo nalang syang pagsalitain kasi talo ako sa kanya ... Mas mahinhin kaysa sakin ... PEACE!!! Marami pa sila hindi matatapos kapag kinumpleto ko pa baka dekada ang abutin bago matapos 'to ... Haha ... Nakakamiss silang kasama kahit papanu lalo na kapag may foodtrip,movie marathon sa isang bahay ... GALA MODE kumbaga ... Well, pagkauwi ko gagawa ako ng assignments habang andun si Ruth ang pinsan kong kapag tumatawa WAGAS!!! Syempre may baon siyang kuwento sakin tungkol sa isang private school na pinapasukan niya ...
"Ate, nagkita kita ulit kami ng mga kaibigan ko ... Kami kami pa rin naman ang magkakaklase ... Pero, may bagong recruit."
"Ayaw mo nun,may bago ka na ulit kaibigan."
"Gustung-gusto nga namin eh ... First day pa lang ng school nilibre na nya kagad kami ... MABAIT na GWAPO pa!"
Napatingin ako bigla ...
"Nilibre lang kayo mabait na kaagad!?"
"Hindi lang libre parang kuya pa namin sya."
"Anong konek?"
"Wala lang basta!"
"Anong year na ba nun?"
"3rd year Section 1."
"Ah matalino ... Anong pakiramdam naman ng may ganyang kaibigan?"
"Siyempre masaya kami kasi para siyang perfect guy!"
"Si GOD lang ang perfect! Paano mo naman nasabing perfect yun? Nakasama mo na ba sa bahay niyo yun? Mabaho din naman ang utot nun!"
"Si ate naman!!! Basta madedescribe ko sa kanya ... Guwapo, mabait, matalino, talented, matangkad at maputi pa ... Para syang foreigner at wala pa syang girlfriend!"
Bigla akong natawa sa sinabi ng pinsan ko ...
"Bakit ate?"
"Tsk. Bakla siguro sya gusto niya lalaki hindi babae!"
Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang yung pinsan ko parang naiinis na ...
"Naku ewan ko sayo ate! Baka pag nakita mo yun mainlove ka sa kanya."
"Thank you nalang nevermind. Wala akong pakialam dun."
"Sabi mo eh."
Pagkauwi ng pinsa ko natahimik ang mundo ko ... Pero parang gusto kong makita yung sinasabi niya sakin ... Pwe!!! Bawal ang mainlove di ko pa nga nakikita eh ... Ilang sandali lang nakatulog na din ako.
BINABASA MO ANG
YOU + I = LOVE !!!
Teen Fiction"I wish that someday, I would met a guy who will love me for who and what I am" ito ang madalas na hilingin ng bawat babae sa mundong ito. Kabilang diyan si Veronica Luces, 3rd year high school student sa isang public school. CERTIFIED NBSB, ang dah...