CHAPTER 19.2 The EVOLUTION!!!

77 4 0
                                    

( Veron's POV )

        Bakit ba nagawa ko yun sa kanya? Ang shunga shunga mo talaga!!! Bastos lang!!!

        Siguro nagalit siya, naubusan ng pasensya, nag EVOLVE ... Ano POKEMON lang!!!???

        Pero hindi pa rin niya ako matatalo! Kasalanan niya kung bakit tinotoyo ako ngayon ...

        Kausap ko na naman ang kaibigan kong si Dylan ...

    "Bakit ka ba naiinis sa kanya? Ano naman ba sayo kung may kasama siyang mas maganda pa sayo?"

    "Hindi naman sa naiinis ako sa kanya. Saka wala naman sakin kung may kasama siya."

    "Ang plastik mo ate!"

    "Suri ka hindi ako plastik!"

    "Saka, kayo ba para magselos ka?"

    "Yun lang! Hindi eh."

    "Yan ... Assuming ka pala."

    "Assuming na kung assuming --"

    "Oh, tingnan mo! Gusto mo rin pala siya! Denial ka rin nuh."

    "Teka, bakit ba siya ang pinag uusapan natin?"

    "Aba! Ako pa ang tinanong mo! Malay ko sayo ... Para mawala ang inis mo, samahan ka ulit sakin mamaya."

    "Na naman? Saan ba?"

    "Dun ulit."

    "Sa 7 eleven na naman!? Dylan naman eh ... Ayoko na dun."

    "Bakit naman? Anong drama yan!? Dahil ba sa nangyari kahapon? Wag mong sabihing natatakot ka dun?"

    "Hindi naman sa natatakot ako sa kanya ... Ayoko lang kasi ng gulo."

    "Pag hindi natin siya nakita, wala talagang gulong magaganap. Kung hindi niya tayo aawayin ulit, wala talagang gulong magaganap. Saka tayo ba ang nag umpisa ng gulo?"

    "Hindi. Pero kasi --"

    "Wala ng kasi kasi! Mamaya babalik ako dito"

        Pagsapit ng 7 pm ...

        Tulog tulugan ang mode ...

    "Ate, samahan mo na ako!"

    " ... "

    "Ate Vero! Ano tutulugan mo ako? Sasamahan mo muna ako."

    "*yawning* Ano ba yun?"

    "Ate Vero!!!"

    "Dylan naman, inaantok pa ako eh."

    "Ayaw mong tumayo diyan? Sige kukunin ko muna 'tong pagkalaki laki mong teddy bear ibabalik ko nalang sayo 'to kapag sinamahan mo na ako."

    "Ito naman hindi na mabiro, sasama ako."

    "Wooh! Sasamahan mo rin pala ako. Style mo talaga BULOK!"

    "Oo na! Oo na! Tara na nga."

        Pagdating namin sa 7 eleven ...

    "Ate, ice cream."

    "Salamat."

    "Bakit di ka mapakali dyan? Wag mong sabihing iniisip mo pa rin yung nangyari kahapon?"

    "Naka move on na ako dun."

    "Eh ano yang ineemote emote mo dyan?"

    "Wala naman. Hindi ka ba sanay kapag di ako maingay?"

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon