CHAPTER 2.1 SCHOOL for the ELITE People ...^_^

166 10 0
                                    

(Ruth's POV)

        Nasa school na ulit ako ... Sa Augsburg University ... Ako pala si Ruth Luces 14 yrs. old, 2nd yr. Section 3 ... Kayumanggi lang ang kulay ng balat ko at hanggang balikat lang ang haba ng hair ko ... Buweno, excited na akong makita ulit ang mga kaibigan ko ...  Una, si Allan Sebastian, maputi yun, cute, ayun lang ang masasabi ko sa kanya ... Si Clairral Cunanan naman maputi din medyo malamya sya magsalita pero patay na patay kay Julian Trono ewan ko ba sa kanya kung panu niya nagustuhan yun ... Si George De Guzman. siya yung mahilig mangarap sa hangin.Bakit? Kasi napakaimposible ng mga sinasabi niya minsan na kesyo kamukha daw siya ni Derek Ramsay kahit hindi naman,hinahabol daw siya ng mga chicks ... Baka sisiw lang yung mga tinutukoy niya ... Haha ... Si Cherrie Morales, siya naman yung adik na adik sa  One Direction. Halos lahat ng kanta ng 1D kinakabisado hindi nagpapatalo sa iba naming nga kaeskuwela dito ... At ang LAST BUT NOT THE LEAST ang aking BESTFRIEND na KUYA ko naming lahat si Miguel Magalona in short Migs ... Siya yung masasabi kong ... NO COMMENT!!! Walang negative eh, lahat na ata nasa kanya. Sana ligawan niya ako ... JOKE LANG!!! Ayoko nga kuya ko yan eh ... Pero nakakainis lang kasi lagi siyang hinahabol ng mga girls dito. Ang guwapo niya kasi eh. Buti nalang hindi niya pinapatulan ang ganung mga babae ... Sa sobrang pag iisip ko may kumakalabit na pala sa likuran ko ...

    "Ruth okay ka lang ba?"

    "Kuya Migs! Kanina ka ba dyan?" ang gwapo gwapo niya talaga!!! Sarap panggigilan!!!

   "Uhmmm ... Hindi naman gaano ... Kanina ka pa kasi nakatulala dyan ... Mukhang may malalim kang iniisip."

    "Wala naman."

    "Ah ganun ba ... Ay! Kakanta ka pala bukas."

    "Huh? Sino nagsabi sayo?"

    "Kasasabi lang nila Allan sakin kanina."

    "Hay naku! Nakakainis sila!"

  "Bakit ka naman naiinis? Ayaw mo nun proud sila sayo ... At saka dadalhin ko na rin yung videocam ko para sayo."

    "Naku wag na okay lang sakin kahit manood na lang kayo."

    "Okay lang yun para may souvenir ako. Remembrance."

    "Thank you."

    "Your welcome."

    "Ay kuya! Pwede bang magpapunta ako ng pinsan dito bukas?"

    "Oo naman."

    "Ayos! Papupuntahin ko dito si Ate Vero para mapanood niya ako bukas."

    "Close kayo nun?"

    "Oo naman!"  Pagmamalaki ko pang sagot ... "Para ko na rin siyang kapatid at bestfriend."

RIIINNNGGG!!! RIIINNNGGG!!! RIIINNGGG!!!

      "Sige punta na ako sa room namin. Pumasok ka na sa room niyo.."

      "Sige maya nalang ulit."

       Maya-maya nagsimula na ang aming klase ...

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon