2 Days,
3,
4,
10,
25,
30,
1,
2 Days & 1 Month ... Simula nung mangyari yun hinding hindi pa rin ako makamove on! Grabe tinalo ko pa mga lalaki kung sa pagdaydream ... Tambak kami ngayon ng maraming projects sa iba't ibang subjects. Ganun din sila Ruth kaya di na siya nakakapunta sa amin ... Sa sobrang dami ng iniisip ko ...
*PAK*
"Ay putek !!! Makabatok ka naman Justine wagas!"
"Kasi nakatulala ka na naman dyan!"
"Marami kasi akong iniisip eh."
"Maraming iniisip ... Sus! Baka yung taga ..."
"Taga ano!? Wag mo ng ituloy!"
Biglang sumingit yung isa ko pang kaibigan na si Bianca ...
"Yung taga Augsburg University!"
"Anu ba yan bhest! Itigil mo na nga yan! Nag aasume ka na naman eh!"
"Opo bhest ... Pakiramdam ko Sunday."
Biglang natawa si Bianca ... Ang bilis makaget ah ...
"Bhest sinasabihan kita kasi bestfriend kita. Ayaw ko na makita kang umiiyak dahil lang sa lalaking yun."
BOOM!!! Natahimik ako sa sinabi niya sakin ... Kahit mas matanda ako sa kanya mas mature ang pag iisip niya ... Habang pauwi na ako nasa isipan ko pa rin yung sinabi ng bhest ko ... Ngayon ko lang narealize ... Tama nga siya ... Kailangan ko ng itigil itong kahibangan ko ... Napakaimposibleng magkagusto ang isang prince sa isang beggar ... AWTS!!! Nasaktan ako sa sinabi ko ... Masyadong NEGA!!! Habang nag iisip ako ... Di ko na namalayang nakatulog na ako ...
BINABASA MO ANG
YOU + I = LOVE !!!
Teen Fiction"I wish that someday, I would met a guy who will love me for who and what I am" ito ang madalas na hilingin ng bawat babae sa mundong ito. Kabilang diyan si Veronica Luces, 3rd year high school student sa isang public school. CERTIFIED NBSB, ang dah...