December 25 ...
Its Christmas Day! 7am palang gising na kami para maagang makapagsimba. Kinuha ko ang cp ko pero hindi talaga siya nagtetext sakin. Ako na naman ulit ang magtetext sa kanya ... :|
To: Mr. President
Gud morning Migs!!! Magsimba ka ah. Wag kang tatamad tamad. Hehe.^_^
Pagkabihis ko, nagpunta muna ako kila Dylan ... Para mamasko. Ang laki laki ko na pero namamasko pa rin ... Syempre! Walang edad edad kapag pasko! Ayaw kong mamatay sa inggit nuh kaya nakikipamasko ako sa mga bahay bahay! :D Pagkatapos dun pumunta naman ako sa ninong kong doktor. Buti nalang naabutan ko pa ang ninong ko sa kanila kasi mahilig siyang magtago sa mga inaanak niya. Ang ganda ganda ng trabaho NAGTATAGO!!??? Wahahaha.xDD
Ilang sandali lang ay nagsimba na kami. Punong puno na naman ang simbahan suot ang mga bago nilang pamasko ...
Natapos ang misa ng 11:00. Pagkauwi namin, spread out na kami kung san san para lang mamasko sa mga ninong at ninang namin, kahit di namin kilala pinapamaskuhan namin ... Pagbigyan nalang nila kami kasi pasko naman eh ...;)
"Dylan!"
"Ate Vero."
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na ako."
"Bakit?"
"Nagtago na kasi yung mga ninong at ninang ko."
"Kawawa ka naman ... Eh samahan mo nalang akong mamasko."
"Wag na, mag aalas dose na kasi kakain pa ako ng tanghalian."
Ay! Muntik ko ng makalimutan ...Mamamasyal pa pala kami ni Migs ngayon ...
"Sige Dylan may lakad pa pala ako ngayon."
"Naglalakad ka na nga eh."
"Sira! Sige may pupuntahan pa ako."
"Saan ka pupunta."
"Basta! Sige ingat ka nalang sa pag uwi!"
Habang naglalakad ako ...
To: Mr. President
Migs, hintayin mo ako .. Papunta na ako diyan sa inyo. ^_^
Tumakbo na ako pagkatext ko sa kanya ... Excited na akong mamasyal kasama si Migs ... Saka ... Balak kong subukan kung paano magkaroon ng boyfriend ... Kinain ko yung sinabi ko dati na ang love ay panira sa pag aaral ... Hindi man halata, pero sa tuwing nakikita ko siya... Sumasaya ako ... Aayusin ko ang lahat lahat saming dalawa ... Lets do this Veron! Think POSITIVE!!!
Pagkarating ko sa main gate ng bahay nila ... Nakabukas na ... Masama man ang magtresspassing, pero dahil excited na ako pumasok na ako. Sa laki ng bahay nila kailangan ko pa siyang hagilapin ...
Pagkapasok ko sa may sala ... Andito lang pala si Migs ...
0_0
Lub Dup!
Lub Dup!
Lub Dup!
Nanlata ako sa nakita ko ... Si Migs at yung babaeng nakabunggo ko ay magkakilala pala ... Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, kitang kita kong nakikipaghalikan siya sa babaeng yun ... Unti unti akong napaatras palabas ng sala ...
"Oh dear! Sino hinahanap mo? Si Miguel Luis ba?"
Bigla akong nakaramdam ng nerbiyos, para siyang masungit ...
BINABASA MO ANG
YOU + I = LOVE !!!
Teen Fiction"I wish that someday, I would met a guy who will love me for who and what I am" ito ang madalas na hilingin ng bawat babae sa mundong ito. Kabilang diyan si Veronica Luces, 3rd year high school student sa isang public school. CERTIFIED NBSB, ang dah...