CHAPTER 10.1 Ang DAKILANG KATULONG!!! Bwahahaha.xDD

81 5 0
                                    

        Kinabukasan, araw ng Sabado ... Ako lang mag isa dito sa bahay ... Ako lang ang tinatawag na "taga" as in tagaLABA,tagaSAING,tagaLINIS pwera lang ang tagaluto kumukuha nalang ako ng de lata para tipid ... Hindi ako naka eyeglass kapag ako lang dito sa bahay ... Sabi nila mas bagay daw sakin ang walang salamin ... Lumalabas daw ang pagka baby face ko ... Sabi nila yun ... Kasi kaibigan nila ako eh ... Habang nagbabanlaw ako ng mga damit namin ...

*DING DONG*

         Sila mama na ata yun ... Pagkabukas ng pinto ...

    "Good Morning. :)"

    "Huh!? Miguel! Teka panu mo nalaman 'tong samin?"

    "Di na mahalaga yun ... Pwede ba akong pumasok?"

    "Uhm ... Oh sige."

        Hindi ko alam kung panu niya nalaman 'tong bahay namin ... Lalo tuloy akong nahihiwagaan sa kanya ... At nahihiya rin ako sa itsura ko ... Pero habang kinakausap niya ako kanina ... Nakatitig siya sakin at napakaamo ng mukha niya ... Lagi siyang ngumingiti na para bang walang problema ... Pinaupo ko muna siya sa sofa ng may bigla ulit kumatok ...

    "Ako nalang ang magbubukas."

    "Hindi ako na."

    "Ako nalang ituloy mo nalang yung ginagawa mo."

    "Hindi ka nila kilala."

    "Eh di magpapakilala ako sa kanila."

    "Hala! Hindi wag na!"

    "Ako nalang ang magbubukas Veron."

    "Hmm ... Oh sige na nga! Mapilit ka eh." Napakamot nalang ako sa ulo ko ...

    "Thank you.:)" Sabay ngiti ... Eto na naman tayo!

    "Wait."

    "Bakit?"

    "Pwede ba wag kang ngiti ng ngiti sakin."

        Bigla siyang lumapit sakin ... As in CLOSE na CLOSE...

    "Bakit masama ba? Di ko maiwasang mapangiti lalo na kapag nakikita kita."

        Napapalunok ako habang nakatitig siya sakin, kinikilabutan na naman ako ...

    "Ganyan din ang reaksyon mo nung magkasalubong tayo sa h--"

    "Waaahhh!!! Wag mo ng ipaalala! Buksan mo na nga lang yung pinto."

    "Okay mam, ipagpatuloy nalang natin mamaya."

    "Hay naku!"

       Pero ... Infairness ang bango ng hininga niya ... Che! Erase! Erase! Ano ba yan! Pinagpatuloy ko nalang yung pagbabanlaw ko ... Di ko na siya pinansin ... Bahala na siya sa buhay niya ... Malaki na siya! Tapos na ako sa aking paglalaba ... Papunta ako ng kusina nang biglang mag activate ang sense of smell ko ... May nagluluto ng ... I think na chopsuey yun ... Pagsilip ko sa kusina ...

    "HALA! ANONG GINAGAWA MO!?" >.<

    "Nagluluto."

    "Malamang! Takte ka talaga!"

    "Anong takte?"

    "Wala! Lagot ako niyan sa mama ko."

    "Bakit naman? Eh di sabihin mo ako ang nagluto."

    "Huh CLOSE KAYO?"

    "Hindi."

    "Naku naman!"

       Bigla na naman siyang lumapit at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko to the NEAREST LEVEL!!!

    "Ayoko kasing napapagod ka, kaya nagluto na ako."

    "Gusto mo ng suntok?"

    "Subukan mo."

       Nakaamba na ang kamao ko sa kanya kaso nakangiti lang siya sakin kaya lalong hindi ko magawa!

    "Ituloy mo na.^_^"

    "Ayoko na."

    "Bakit naman?"

    "Lumayu - layo ka nga sakin! Naiirita na ako sayo!"

         Pero lalo lang siyang lumalapit at lumalayo naman ako sa kanya ...

    "Maglilinis na nga ako ... Yung niluluto mo baka masunog asikasuhin mo na."

    "Galit ka ba?"

    "Hindi."

       Bumalik na ako sa sala para naman maglinis ... Hindi ko siya tinitingnan ... Maya - maya lumapit siya sakin ...

    "Anong kailangan mo?"

    "Veronica sorry."

    "Sige na."

    "Sigurado ka?"

    "Okay na nga."

    "Hindi nga?"

    "SIGE NA NGA DIBA!? HINDI KA BA NAKAKAINTINDI? ANG KULET MO!"

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon