Kinabukasan, inihanda ko ang sarili ko sa GIYERA ... Ay! Este sa pagpunta pala sa school ng aking pinsan sa may Augsburg University ... Patay! Di ko natanong kung san banda dun gaganapin ... Mukhang paghahanapin pa ako nun ah ... Hindi naman niya dinadala yung cellphone niya ... Eh ang laki pa naman ng shool nila pati yung tuition fee dun nakakalula ... Well well well magtatanong tanong nalang ako dun ... Wala namang mawawala eh ...
At the School Program ...
"Kinakabahan ako mamaya."
"Kain ka balot gusto mo?" biro ni Allan na hindi nakakatuwa ...
"Ayoko nga! Di ako kumakain nun!"
"Ang gaganda talaga ng mga babae dito. Tago niyo ako mamaya ah. Baka pagkaguluhan ako ng mga CHICKS." sambit ng ilusyunadong si George.
"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NITO! Nangagarap ka na naman ng gising! Matik na kung sino ang popormahan ng mga babae mamaya." diretsong sagot ni Clairral na pawang katotohanan talaga.
"Oo na kilalang kilala ko na yun! Mula ulo hanggang paa si MIGUEL na naman!"
"Wala kang magagawa kung masyado siyang gwapo ... Buti at alam mo ang katotohanan ... Akala ko gutom ka na eh." sabi naman ni Cherrie ang Ms. One Directioner ... KUNO! Wala ng bukambibig kundi puro ONE DIRECTION lagi.
"Speaking of andyan na siya kasama si ... Ngayon ko lang nakita yan ah." Biglang sambit ni Allan ...
Napatingin kaming lahat sa direksyon na tinuro ni Allan ... At confirm, hindi nga namin siya kilala ... Pero in fairness, gwapo din siya,magkasingtangkad sila,maputi,di masyadong nakataas ang buhok na parang babagsakan maya-maya ng butiki at brown ang mata kapag nasisinagan ng liwanag ... WOOHHH SASABOG NG LIWANAG DITO!!!
"Guys, this is William Santos, Vice President ng student council at classmate ko din siya."
"Hello po."
"William this are my new friends Clairral,Cherrie,Allan,George and Ruth."
Nakatitig lang ako kay William ... Ewan ko ba ang lakas ng kabog ng heart ko serious-type siya ... Gwapo talaga siya lalo na kapag matagal mong tinitigan ... Nakatitig lang din siya sakin ... At ang bilis talagang makapansin ni kuya ...
"Ehem! Ehem! Tara na William marami pa tayong gagawin ... Balikan ko nalang kayo mamaya."
Pagkaalis nila PARASYMPATHETIC na ulit ako ... WOW!!! Natutunan ko ito sa Biology teacher naming si Mam Cruz magaling na nga magturo, maganda pa ... Pero ... Ngayon ... Totoo ba ito? Start na ng program? Wait! Si ate ko bakit wala pa rin ??? PATAY!!!
Habang umaandar ang oras ... Actually malayo pa naman ako eh ... Sa closing song pa naman ... Sana mahanap to ni ate ... ANG TANGA KO NAMAN! Bakit hindi ko pala nasabi sa kanya kagabi ??? Wala man lang akong mahingian ng favor sila Allan ... Ayun nalibang na sa panonood ...
"Ruth masyado ka atang seryoso dyan."
"Ikaw pala kuya.'
"Matamlay ka ah." Hinipo niya ang leeg ko ... "Wala ka namang lagnat."
"Eh kasi ano eh eh ..."
"Ano yun? May kailangan ka ba?"
"Kuya pwede ba akong humingi ng favor?"
"Favor? Sure, ano ba yun?"
BINABASA MO ANG
YOU + I = LOVE !!!
Teen Fiction"I wish that someday, I would met a guy who will love me for who and what I am" ito ang madalas na hilingin ng bawat babae sa mundong ito. Kabilang diyan si Veronica Luces, 3rd year high school student sa isang public school. CERTIFIED NBSB, ang dah...