(Veronica's POV)
Andito na ako sa school nila Ruth ... Walang masyadong tao ngayon ... Parang haunted school lang sa sobrang tahimik ... Paano kaya ako makakapagtanong dito ... Naku umaandar ang oras at baka kumakanta na si Ruth ...
"Diba taga Calderon ka?"
"Oo ... Bakit?"
"NO PETS ALLOWED HERE!!! HAHAHA!!!"
May tao pa pala ... Kaso puro mga babae at warfreak pa ... Wagas silang manlait at tumawa ... Mamamatay na ata bukas ... Pero dedma nalang ... Wala naman akong ginagawang masama sa kanila eh ...
"Paano nakapasok ang pulubi dito?"
"Well, I don't know baka gustong mag - apply dito ... AS JANITRESS!!! HAHAHA!!!"
Scene two ... Dedma ulit ... Pero ang sakit naman nun ... Pulubi talaga ... Ganito ba mga estudyante dito? Akala mo kung sinong mataas na tao kung mang insulto ng kapwa sagad sa buto ... Tsk ... Then, aba! May hagdanan dito sa dulo ng hallway ... Kaso, may obstacles puro mga lalaki ... Paano kaya ako makakadaan dito...
"Miss may hinahanap ka ba?"
"San ba banda dito yung pinaggaganapan ng program?"
"Ah! Alam namin yun, tara samahan ka na namin."
"Wag na lang ... Ituro niyo nalang sakin kung saan."
"Sige na miss, hindi ka ba nagtitiwala samin?"
Hala! Paano ako makakaalis dito ... Lima sila ... Isa lang ako ... Gwapong mga ewan!!!
"Bitawan niyo ako!"
"Walang tutulong sayo dito."
"Mali ka ng napuntahan mo miss."
Ano bang mga pinagsasasabi ng mga ito??? Gusto ko ng umiyak sa takot ...
"Anong ginagawa niyo diyan?"
"Si Mr. President! Tara tumakbo na tayo!"
"Estudyante lang yan katulad natin ... Hindi yan marunong lumaban."
Agad lumapit yung isang guy sa sinasabi nilang president akmang susuntukin niya ... Kaso, karate pala ang peg ni president ... Pati ako nakikipresident na rin ...
"Ano lalaban ka pa?"
"Oo."
"Aray ko!"
Ginawa ba naman akong bolang pinangsapo sa kalaban ... Wala naman pala siyang binatbat dito kay Mr. President ... Muntikan pa akong tumama sa pader buti nalang nasalo niya ako, napahawak tuloy ako sa dibdib niya ... Don't worry! Nakapolo naman siya eh ... Biglang bumaba ang energy ko dun ... Nawala lahat ng kinain ko dun ...
"Miss are you okay?" pag-aalala niyang sabi habang sapo niya ang likod ko ...
Tumingala ako kasi ang tangkad niya ... Aaminin ko ... Guwapo siya ... Binaba ba siya ni LORD dito sa lupa para sakin? Woohh!!! Assuming naman ako! Pero 1st time ko lang mapatitig ng matagal sa taong di ko kakilala ... Pakiramdam ko matutunaw na ako sa pagtitig niya sakin ... Ang pula-pula ng lips niya ... Veronica WAKE UP!!!
"Ah! Okay lang ako." Bigla akong lumayo sa kanya ... Ewan ko ba kung namumula ako o namumutla ako ... I really don't know ... Kaya pinakalma ko muna ang sarili ko ...
"Gusto mo ba ng tubig?"
"Nope ... Thanks."
"Are you sure?"
"Yup."
"Taga-Calderon ka ... Right?"
"Oo."
"Si Ruth ba ang hinahanap mo?"
Bigla akong nabuhayan ng dugo sa narinig ko ...
"Oo sya nga ... Alam mo ba kung asan siya ngayon?"
"Oo ... Samahan na kita papunta dun malapit na kasi siyang kumanta."
"Sige."
Agad akong pumayag sa alok niya ... Di ko pa siya kilala pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya at mabait siya sakin ... Kaanu ano kaya siya ni Ruth? Siguro kaklase niya ... Pero hindi ko na kailangang alalahanin yun ... Ang mahalaga ... Si Ruth ... Wala ng iba ...
BINABASA MO ANG
YOU + I = LOVE !!!
Teen Fiction"I wish that someday, I would met a guy who will love me for who and what I am" ito ang madalas na hilingin ng bawat babae sa mundong ito. Kabilang diyan si Veronica Luces, 3rd year high school student sa isang public school. CERTIFIED NBSB, ang dah...