CHAPTER 7.2 Nice to Meet YOU ...; )

81 5 0
                                    

        Pumasok nalang kami ... Ladies first pa ah! Pagpasok namin apat pala silang andito sa loob, totoo nga ang sinasabi nila lahat sila puro guwapo ... Yung isang guy seryosong seryoso yung itsura kabaligtaran naman dun sa isa na nakangiti sa amin ... Maya maya lumabas yung guy na nakangiti siguro maglilibot ... Isa isa silang nagpakilala sa amin ...

   "Ako nga pala si Paul Gonzales, Secretary ng Student Council."

  "Ako naman si Carlo Jimenez, Treasurer."

  "William Santos, Vice President."

  "Yung lumabas kanina si Miguel Luis Magalona siya yung President namin sa Student Council." -Paul

  "Ah."

  "Kayo naman magpakilala sa amin." -Carlo

  "Ako si Justine Calles."

  "Bianca Lorraine Gabuco."

  "Ang haba naman ng pangalan mo, yung isa naman panlalaki." -Carlo

        Natawa nalang kami sa sinabi ni Carlo sa amin ... Maya maya tinanong niya si William na kanina pa nananahimik ...

    "William saan nagpunta si Migs?"

    "Ewan ko dun ... Malaki na yun ... Bahala na siya kung san niya gustong pumunta."

    "Oo nga naman Carlo." -Paul

         Bigla kaming natawa ... Mukhang napahiya ata kaya bigla siyang tumahimik, napatingin siya sa amin kaya natawa na rin siya ... Ilang sandali lang ay bumalik na ang aming pricipal ...

    "Where is Mr. Magalona?"

    "We don't know sir."

        Hindi na umimik ulit ang principal namin kaya patuloy pa rin kaming nagkukuwentuhan sa mga bago naming kakilala habang may inaayos sa naturang office ...

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon