CHAPTER 9.2 The Confrontation

80 4 0
                                    

        Tuluyan na akong umalis sa school na yun ... Sa palagay ko umalis na rin yung mga kasama ko ... Pagkauwi ko ng bahay ... Expected ko na 'to ... Bumungad sakin ang mukha ng mama ko ...

    "Tingnan mo."

         Kinuha ko yung envelope na nasa table niya at pagkabukas ko ... Sinasabi ko na nga ba ...

 *SLAP*

         Eto ang di ko inaasahan  ... Mas lalong lumakas at sumakit ang sampal niya kaysa dati ...

    "Panu mo ipaliliwanag sakin yan!? Ang sabi ng tita mo ikaw ang unang yumakap sa hampas--"

    "Mom stop it!"

   "No! Wala akong pakialam kung masaktan ka man o hindi ... Ang gusto ko si Nikkolai ang ligawan mo ...  Mayaman din sila katulad natin kaya siya ang gusto ko para sayo."

   "Eh di kayo nalang po ang manligaw sa kanya. Tutal yaman lang ang habol niyo sa kanila. Then go!"

   "I'm your mom! Kaya sumunod ka sa kung anong gusto ko!"

   "You're my only stepmom!"

*SLAP*

   "Magkaugali nga kayo ng mama mo!"

   "Wag mong idamay ang mommy ko dito."

   "Galangin mo akong bata ka ah."

        At pumunta na siya sa kwarto niya ... Habang ako naman nakasteady lang sa kinatatayuan ko ...  Naalala ko tuloy ang mommy ko ... Pinipigilan kong tumulo ang luha ko ... Parang di lalaki ... Pero ito lang kasi yung paraan para gumaan ang pakiramdam ko ... Habang nasa kuwarto na ako patong ang kamay ko sa noo ko ... Namumula ang pisngi ko sa bakat ng sampal ng mama ko ... Hanggang sa makatulog na ako...

(Veronica's POV)

        Habang nasa bahay na ako napapaisip pa rin ako tungkol sa nangyari kanina ... Panaginip ba yun? Lalo lang akong naaaning! Peste talaga! Buti walang pasok bukas at walang assignments kundi , dala-dalawa ang utak ko sa kakaisip!>.< ... Hahaha.xD

      Pero  bigla kong naisip ulit ... Baka trip niya lang ako kaya ginawa niya yun kanina ... Guwapo siya at mayaman pa ... Bagay sa kanya ang maganda at mayaman din ... Lilipas din yun ...

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon