CHAPTER 13.2 Unanswered Question PART 2 ... :D

70 5 0
                                    

        Habang pabalik na ako ng room nakasalubong ko si kuya Migs ...

    "Ruth."

    "Okay lang si ate Vero, wala siyang sakit ... Sige babalik na ako sa room namin."

    "I think you're not okay ... You can tell it to me."

    "Shut up! Wag ka ngang mag - english naiirita ako!"

        Humawak siya sa balikat ko ... Bigla ko siyang tinulak ... Nabigla siya sa ginawa ko ...

  "Bakit ba lagi nalang si ate Vero ang kinukumusta mo? Bakit mo ba siya nagustuhan? Andito naman ako ah ..." :'(

        Yumakap ako sa kanya ...

   "I love you Miguel, simula nung makilala kita, walang araw na hindi ka naaalis sa isipan ko at masaya ako kapag nakikita kita." :'(

   "Ruth ... Para na kitang nakababatang kapatid, ayokong masira ang pagkakaibigan natin ... Sa totoo lang maski sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit nagkagusto ako kay Veronica, nung una ko siyang makita nagkainteres na kaagad ako sa kanya, gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nalalaman kong maayos siya ... Sana kung saan ako masaya, lagi sana kayong andiyan para suportahan ako." :)

        Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya ... Pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko na para ko na talaga siyang kuya ... Nang malaman ko ang paliwanag niya, di na ako nagreklamo pa, kitang kita sa mukha niyang masaya na siya kay ate Vero ... Napansin ko rin si William ng mga oras na yun na nakatingin sa amin, susubukan ko nalang mag move on sa nangyari ...

     Pagkauwi ko pumunta kaagad ako sa bahay nila ate Vero, nadatnan ko pa siyang gising at gumagawa ng assignment ... Agad akong lumapit at yumakap sa kanya ...

    "Sorry ate Vero." :'(

    "Ayos lang ... Wag ka ng umiyak, wala naman akong dapat ikagalit ... Kalimutan mo na yun." ^_^

        Buti nalang mahaba pa ang pasensiya ni ate ... Hindi ko na kailangang itanong pa kung bakit ... Dahil alam ko na maski rin sila hindi nila alam ang sagot sa tanong ko ... " ITS DIFFICULT TO EXPLAIN" ." :")

YOU + I = LOVE !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon