Mia's POV
Sabay sabay na bumalik ang mga alaala saken, ang mga emotions na kinalimutan ko nung bata pa ako. I thought I'm over it, pero di pa pala. Di ko tuloy alam kung magagalit ako, mahihiya o tatawa sa nangyayari saken.
At ang huling sumagi sa isip ko, yung alaala ni Abbygail. Ang huling araw na nagkasama kami.
And the pain overpowered everything.Tahimik kong inalis ang kamay ni Abe sa balikat ko, at nagpatuloy ako sa paglalakad. Di ko sya kayang harapin, hanggang ngayon.
"So, tatalikuran mo na naman ako, huh Mia?"
Napahinto ako.
Yun naman talaga ang ginawa ko noon. At gagawin ko yun ngayon. Ayoko nang masaktan, kaya kailangan kong talikuran ang lahat.
"Stop being selfish Mia. You know you can't run away from the past. Especially now. Now that I'm here."
Nahabol nya yung distansyang ginawa ko. Ngayon, ramdam ko na nasa likod ko lang sya. At pag humarap ako, it's my dead end.
"Anong kailangan mo sakin, Abraham?" Himala pang nasabi ko yun ng di naiiyak.
At nanindig ang balahibo ko sa katawan nang bumulong sya saken. Di ko napigil at napasinghap talaga ako.
"Alam mo ang sagot sa tanong mo Mia. Ikaw. . ang kailangan ko."
Ako.
Ako ang kailangan nya.
Para saan?
Mukang alam ko na ang sagot.
Kailangan nya ako dahil tinakbuhan ko sila ng kapatid nya. Dahil sinaktan ko sila noon, at ngayon, KAILANGAN nya AKO, for his revenge. Gusto nya akong saktan tulad ng ginawa ko sa kanila.
I was the one to be blame sa pagbabagong ito ni Abe. Kung hindi ko lang sana ginawa ang mga ginawa ko nun, siguro ay sya parin ang kilala kong sweet, malambing at mabait na Abe. At si Abby, kung hindi lang sana ako naging duwag noon, baka magkaibigan pa kami hanggang ngayon. Pero nangyari na ang lahat. Di ko na mababawi pa ang mga nagawa ko. At kahit na anong gawin ko, di ko parin kayang harapin ang lahat.
DUWAG parin ako.
"Wag mo na akong pag aksayahan ng panahon Abe."
"You know that's not fair Mia. After all these years, I've waited and waited until I got to see you again. To see you in your miserable life. But, I was wrong, looks like life is on your side."
He sounds sarcastic. Napapikit ako sa sakit na hatid ng mga salita nya.
Ayoko nito. Please tama na.
Hindi pa ako handa na harapin si Abe at ang galit nya.
"Abraham please. Tigilan mo na ako. Wag mo na akong pag aksayahan ng oras. Inaaksaya mo lang ang oras mo sa tulad ko."
"Right, you're that kind of girl that I must be avoid. Because, sabi mo nga, aksaya ka lang sa oras. But I will have the thing I deserve all these years."
Bigla na lang na niyakap nya ako sa bewang. Ang lapit lapit ng mga katawan namin. Di ko makaya ang tensyon na nararamdaman ko. Pinipilit kong kumawala sa yakap nya pero mahigpit ang pagkakakapit ng kamay nya sa katawan ko.
Naisandal nya ako sa pader. Sa sobrang lito ko nakalimutan ko na nasa school parin kami. Ang mahalaga sakin ay makalayo ako sa kanya. Makawala ako kay Abraham.
"A-Abraham, please. Bitiwan mo ako."
Nanginig ang boses ko. Lord please po, tulungan nyo akong pigilan ang luha ko.
"Look at me."
He said in a demanding voice. Ayoko. Ayokong tumingin sayo Abe. Please. .
"I said look at me, Mia."
Napahinga ako ng malalim bago ko ginawa ang gusto nya. I look at him defeatedly, pero bakit ganun? Lalong bumilis ang tibok nang puso ko. Ang mga matang yun, na ubod nang ganda. I wish I could look at those eyes everyday. Pero sa panaginip na lang yun, sa bangungot siguro. Galit ang nagingibabaw ngayon sa mga matang yun. At ang sakit pala. Ang sakit na galit sayo ang taong mahalaga sayu dati.
"You will never be at peace again Mia. I swear."
Ang bilis ng mga nangyare.
Napaimpit na lang ako at tuluyan ng dumaloy ang luha mula sa mata ko.He's kissing me. And I can feel hatred from it. Nagpumiglas ako pero kinulong nya lang ako sa bisig nya. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at ibinitin yun sa taas ng ulo ko gamit ang isang kamay. Ang lakas nya, kahit anong galaw ko na makatakas sa kanya, di ako makawala.
Who are you now Abe?
Di ko mapigilang umiyak kahit na ganun ang nangyayari. Pakiramdam ko ang cheap kong babae. Di na ako nanlaban sa kanya. Pagalit nya parin akong hinahalikan. Ang sakit nga nga rin ng bibig ko. Namamanhid na at baka nga dumugo na.
Pero bigla ay naging malumanay si Abraham. Parang bumagal ang paghalik nya. At kahit sa ganung sitwasyon, pakiramdam ko ang daming paru paro sa dibdib ko.
Parang nagugustuhan ko na ang halik nya sakin. The way he kissed me, feels like sweet sensation wash over me. He continued his assault with his lips and held me in his arms so tight. Parang gusto nyang gantihan ko ang mga halik nya.
And I did. It intesifies the kiss we're sharing. Blangko ang utak ko kung bakit ko yun ginawa. Sinunod na lang nito ang kagustuhan ng katawan ko at puso.
That's when he stopped. He let go of me. Pareho kami ng reaction, we're both confused. Pero agad syang naka recover at napatawa. He looked at me in disgust. Tumagos ang sakit na yun hanggang puso ko. Maybe
I deserve to be punished like this. Maybe this is my karma.Napayuko ako at hiyang hiya sa nangyari. Dahan2x kong pinulot ang bag kong nahulog pala kanina. Di ko na napansin nahulog yun dahil. .
Tatalikod na sana ako nang. .
"Kahit kailan ang cheap mo talaga. But you taste nice. You past my standards Mia, well more or less."
Buti na lang at nakatalikod na ako. Dahil di ko na mapigil ang mga luha sa mga mata ko, kailangan ko na silang ilabas.
Tumakbo ako palayo dun sa lugar na yun. At hiling ko na sana, sana mamatay na lang akk bukas.
Na sana, di ako duwag gaya ng dati.
:mingOnlyHara29
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...