Mia's POV
"Okey team, 2nd round na to. Pagnatalo tayo sa laro natin ngayon, wala na tayong chance para makuha ang championship. Focus lang tayo sa bola ha"
Kabado man, sinikap kong kalmahin ang sarili ko. Kailangan naming maipanalo to. Kailangang magkaharap kami ng Phi-U team.
After ng away namen, di na nagpakita pa sa bahay si Abraham. Nalaman ko na lang na umuwi ito sa condo Unit nya sa Makati dahil may gagawin daw. Alam ko namang ayaw nya lang akong makita. At ganun din naman ako. Di ko pinagsisisihan ang mga sinabi ko sa kanya, pero nakakapagod rin yung nagpapanggap kaming okey sa iba, pero kapag kami lang dalawa, halos magpatayan na kami.
Gusto ko lang naman na intindihin at respetuhin nya ako.
Pero ngayong araw na to, ayoko muna syang isipin. May game akong dapat ipanalo. May pangako ako kay Tricia. Na bibigyan ko sya ng magandang laro.
Taga Arojo Uni ang kalaban namen ngayon. At pag nanalo na kami sa game namen, for championship game na kami. At sigurado naman ako na matatalo ng Phi-U ang kalaban nito. Yung rivalry ng school namen, halos mag lilimang dekada na. Ewan ko ba. Simula kasi nung pinatayo tong Bagwis at Phi-U lagi na lang nagsasagupaan. Palagi kaming nagkikita sa championship. Nag aagawan rin kami sa trophy. 25 na yung amin, while sila naghahabol sa 24. Pag sila ang nanalo, tabla na kami.
Nag warm up kaming lahat habang di pa nag uumpisa ang laro. Nakita ko ang mga student council members namen. Tinupad talaga nila na i cheer kami, di ko mapigilang ngumiti.
Nag practice kami ng spike. Isa isa kami tinossan ni Aria. Nung ako na ang magsa spike, lumakas ang sigawan ng buong audi. Di ko alam kung bakit, pero ginawa ko na lang ang atake.
"Mi, tingnan mo oh. Buhay na buhay ang buong gym dahil maglalaro ka."
"Ha? Bakit ako?"
Lumapit si Aria samen na ngumingiti.
"Lahat ng games natin sinusubaybayan ng buong school. Simula nung first game natin, laging puno ang audi. At balita ko pa Mi, may mga fans club ka na dito. Tingnan mo naghihiyawan ang nga yan pag ikaw ang tumira." Masaya nitong sabi.
Ha? Ako may fans? Parang imposible naman nun. Simple lang naman akong studyante ng Bagwis. Pero, kung meron nga, nakakatuwa sa pakiramdam na may humahanga sayo.
"Practice na lang tayo." Ligaw ko ng topic. Nararamdaman ko kasing nag iinit ang muka ko sa nga sinasabi nila.
Nagpractice pa kami hanggang sa tawagin kami ulit ni Coach sa last huddle namen.
"Team, galingan nyo. Wag mag focus sa mali, kundi sa bola. Bawi lang ng bawi kung may errors okey. At kailangan nating manalo, nasa audience ang President ng School. Pero wag kayo magpapa pressure sa presence nya. Andito sya para suportahan tayo. Okey? Go Bagwis!!"
"Bagwis Fly High!" Sigaw nameng lahat. Di ako nag first six. Isa daw yun na strategy ni coach. Ayaw nya daw akong mapagod sa laro. Papasok lang daw ako kung kailangan na ang tulong ko.
Nag umpisa ang first set. At dahil nga semis na, mahigpit na ang mga kalaban namen. Ang Arrojo Uni, di rin nagpapatalo sa laro. Nababawi nila ang nga na miss nilang puntos. Halos matambakan nga kami. Namimilipit na ako sa bangko habang nanunuod. Kailan ba ako planong ipasok ni coach? Matatalo kami sa first set!
At natalo nga kami. Haist.
"Okey lang team. Babawi tayo." Sabi ko sa kanilang lahat."
"Coach, ipapasok mo na ba si Mia?"
Tanong ni Lia na hingal na hingal. Sya kasi ang palaging binigbigyan ng bola ni Aria. Kaya first set palang nabanat na si Lia.
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...