Di ko alam kung bakit ako humantong sa ganito. I thought I could hold on, pero mali pala.
Mali palang magmatigas ako.
Na pinairal ko ang pride chicken ko.
Kaya andito ako sa harap ng supladong lalaking to.
Sa bahay nyang bwisit sa pagkalaki. Di ko akalain na bahay pala nya ang nakikita ko pag pumapasok sa Bagwis. Dream House ko pa naman to.
Pero bakit nga ba naging desperado akong nasa harap nya ngayon?
Pinipilit ko pang isa isahin kung ano ang nga nangyari nitong nga nakaraang linggo.
3 araw din akong tumagal sa ospital. Inalagaan ako ni nanay at dinalaw din ako ng mga teammates at nila coach. Pati na rin ang nga council members namen. Maganda naman daw ang takbo ng University Week. At top one kami sa standing sa volleyball tournament. Makailang wins pa, magse semis na at makakalaban na naman namen ang Phi-U.
Nagkakilala na rin kami ni Tricia. Mabait sya at sya pala ang naka jersey no.12. Sya ang na assign saken na doktor at panay ang advice nito saken sa mga gamot na iinomin ko. Tinanong ko pa sya nun kung paano ko sya mapasasalamatan sa pagtulong saken. Ang sagot nya lang saken. .
"Don't worry about it. Basta bigyan mo lang ako ng good game palagi, magiging quits na tayo."
Medyo may kayabangan si Tricia. Pero charming ito at masayahin. No wonder Abraham made her his girl.
Matapos akong lumabas sa ospital, sinabihan ako ni Nanay na pinapaalis na kami sa apartment sa lalong madaling panahon. Buti na lang at nasimot na ni nanay sa pag iimpake ng gamit namen.
Agad kaming naghanap ng malilipatan. Nilibot namen ang lahat ng compound malapit sa Bagwis pero walang tumanggap samen. Halos tatlong araw na din kami sa hometel ng university. At kapag tumagal kami dun, baka lalong lumaki ang babayaran namen.
Ng mga oras na yun, sumasagi sa isip ko ang offer ni Abraham. Pinipigilan ko ang sarili kong puntahan sya at tanggapin ang offer nya. Iniisip ko kasi ang magiging sitwasyon ni nanay. Nagiging sakitin na sya at mahina na ang resistensya nya. Ayokong palagi sya napapagod. Abraham's offer may not be a bad idea. Atleast may bubungan sa ibabaw ng ulo namen at may tutulugan kami sa gabi. Yun nga lang, magpapakaalila kami kay Abraham Concepsión.
Tiniis ko rin ang sarili ko. Gusto kong panindigan ang mga sinabi ko noon sa kanya. Pero nababawasan na rin ang savings ko. Baka pagtumagal na wala kaming malipatan, maubos na rin yun.
Kaya nung sa ikaapat na araw namen sa hometel, nilunok ko ang lahat ng tapang at pride ko.
Pinuntahan ko si Abe sa bahay nya at, himala lang talaga na nandun talaga sya, sa malaking sofa, naka de kwatro na para bang hinihintay talaga nya ako.
"So, finally you decided to show up."
Mayabang na sabi nito saken. Tahimik lang akong nakatingin sa mga paa ko, mas interesado kasi akong tumingin dun kaysa sa nakakairitang lalaking to.
"Wala ka bang sasabihin Mia? Aren't going to admit defeat?"
Mang insulto ba naman ang bwisit. Pinapahiran nya ng asin ang humahapdi kong pride.
Pabuntong hininga ko syang hinarap.
"Tinatanggap ko na ang offer mo, Mr. Consepcion. Oo, talo na ako."
Tumayo ito at lumapit saken. Pumaikot ikot pa ito saken na para bang isa akong hayop na kakainin ng tigre.
"Good, because I was beginning to think na gusto mo ata ang nanay mo na tumira sa hometel. Of Course hindi libre ang stay nyo dun."
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...