.
Tagiktik man ang pawis ko, hindi ko yun pansin. Kahit nga siguro sabugan pa ako ng bomba sa kinatatayuan ko, wala akong pakialam. Nakafocus ang atensyon ko sa bola, at alam kong para saken yun.
Narinig kong sumigaw si Aria, " Mi!" nang i-set nya ang bola, agad akong kumilos at tumalon, para i spike yun. Masyado nga siguro akong magana ngayong araw, kaya pagkalakas lakas ng tira ko. Hindi yun nabalik ng kabilang court samen.
Nagngitian ang mga kasama ko. Kasalukuyan kaming nagpapraktis para sa laro namen for U-sportsweek. At lalo kaming na pene pressure ni coach dahil kailangan naming i defend ang Championship namen last year.
Di ko na nakita ang transfer student na yun mula nung engkwentro namen. Di ko naman masyadong bi-nig deal pa ang isang tulad nya kasi sa sobrang busy ko ba naman, pag aaksayahin ko pa ba sya ng oras?
Nakakuha ako ng long quiz namen, nakuha ko ang perfect score. At naging successful ang mga meetings na inattendan namen ni Ashley. Ang mga projects na pino propose namen ay na approve at binigyan pa kami ng malaking budget. Nakakapagtaka nga kasi dati, halos gumawa pa ang SBC ng mga paraan para magka pera para sa mga projects namen dahil tinitipid kami ng Admin.
At kahit busy at crowded ngayon ang SBC dahil sa mga activities, I make sure na may panahon ako para i check ang lahat nang yun. Di ko kasi pwedeng iwan ang team ko sa Volleyball eh. May tiwala naman ako kay Ashley, magagawa nya ang mga naiwan kong responsibilities.
"Nice kill Mi. Oh break muna kayo girls, i'll give you 30." Sigaw samen ni coach.
"Mi, ang galing ng spikes mo ngayon ah. Dapat dalhin mo yan sa game natin nextweek. Mga taga Phi-U ang una nating kalaban. Sigurado akong may mga pasabog ang mga yun." Ang team captain namen na si Lia.
"Oo nga Mi. Halos pumutok yung bola sayo. Saan mo ba tinatago yang lakas mo ha? hihi!" Si Aria, ang 1st setter namen.
"Ah, heheh. Ewan ko. Gumana siguro yung kinain ko kaninang umaga." Nahihiya kong sabi.
Lahat kami sa team malakas at magaling. Si Lia, 2 years palang syang naglalaro pero nakitaan na sya ni coach na maging captain ng team. Si Aria, magaling magbasa ng laro ng kalaban at mahusay na setter. Iba- iba din ang mga kurso namen, pero agad kaming nagki-click sa court.
"Uy, sino yun? Kanina pa sya nakatingin sa'tin ah." Si Aria.
Napalingon kami sa direksyon na sinabi ni Aria. Nagulat man ako, pero di ako nagpahalata. Si transfer student!
Bakit sya nandito?!
"Mi, kilala mo ba yun?" Si Lia.
"H-ha?! A_ah. . hindi. Hindi ko sya kilala." Kabadong sagot ko.
"Ang cute naman nya! Transferee siguro sya? Kausapin natin!" Yaya ni Aria.
Lalo akong kinabahan sa sinabi ng kasama ko. Plano pa talaga nilang lapitan yung hambog nayun? Bakit kasi nahilig tong si Aria sa mga gwapo eh!
"A-ah eh girls, kayo na lang. P-practice na lang ako ulit." Sabay tayo at pumunta sa court. Buti nalang nagpa practice yung iba kong team mates kaya may kasama ako.
Nilingon ko ang dalawa. Dyosme! At tinuloy talaga nila yung plano nila! Kausap na nila ang lalaking yun.
Bigla na lang bumalik yung inis ko. Kung andito lang sya para mang inis at apihin ako, wala syang mapapala saken. Kahit gusto ko syang batuhin ng bola sa muka, di naman sya worth ng energy at oras ko eh.
"Aray!"
Napalingon ako sa ka-praktis ko. Hala! Natamaan sya ng spike ko!
"Rhiz! Sorry! Di ko sinasadya!"
"Okey lang Mi. Sige praktis na tayo ulit."
Napatango ako. Nang dahil sa lalaking yun nawawala ang focus ko.
Whew! Mia, concentrate. Wag mo syang pansinin.
Nagpito si coach, sign na balik ulit kami sa practice. Agad naman kaming kumilos. May mga instructions at strategy kaming binuo bago maglaro. Gagamitin daw namen ang mga yun sa game with Phi-U.
Nasa kalagitnaan kami ng game, nang makaramdam ako ng pagkaasiwa. Parang may tumititig saken. Napalingon ako sa direksyon ni transfer student. Nakakatitig sya saken!
Pilit ko mang ayusin ang laro ko, nako concious ako sa paraan ng pagtitig nya. Bakit kasi sya nandito?! At bakit kailangan nyang manuod ng practice game namen?!
PPAAAKKK!!
Wahhh. . Anlakas ata ng palo ko sa bola. Nag init ang kamay ko. Kung nawindang ang mga kasama ko sa nangyari, mas lalo akong nagulat.
Grabe naman Mia. Iniisip mo talagang sya ang bola no? Ganyan ka talaga kagalit sa kanya?
Natigil ang laro namen. Nagkatinginan ang mga team mates ko at pati si coach.
"Mia, bangko ka muna. " si coach.
"Po? Bakit po?"
"Ayoko ng galit maglaro."
.
Kakatapos lang ko lang magshower sa locker room namen, pero natutulala parin ako.
Transparent na ba talaga ako?
Pakiramdam ko ang sama2x ko. Ang practice game namen, napagbuntunan ko ng galit. I'm not suppose to do that. Mapagkumbaba ako sa lahat ng bagay, kahit sa mga ka-school mates ko na ganito ang ugali. Lahat natitiis ko kahit alam kong dehado na ako. Kahit kailan di ako nagpakita ng kahit anong emosyon na magpapababa ng respeto nila saken.
Pero bakit ganun?
Nang makita ko sya, sa kanya ko naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko. Sa kanya ko rin nadama ang sobrang inis at frustration dahil sa pambubully nya saken. Bakit di ko mapakalma ang sarili ko pag nasa paligid sya? At bakit may kakaiba akong nararamdaman pag tinitigan nya ako?
SINO BA TALAGA SYA?!
.
Nasa daan na ako pauwi ng may kamay na dumantay sa balikat ko.
Nanayo ang balahibo ko nang makilala ko kung sino ang may ari ng kamay na yun.
"Long time no see, Mia."
Napalunok ako sa sobrang tensyon. Ano na naman kaya kailangan nito saken?
"Magaling ka na pala sa sports ah. I'm impressed. Dati, lalampa lampa ka, ngayon, kaya mo nang magpaputok ng bola." Sabi nya sabay tawa ng mahina.
Ano bang sinasabi nito? Nakakalito na talaga. Pagod na ako at ayokong dagdagan ang pagod ko.
"Mister, as I said the last time, I don't know you. Bakit ba ini insist mo na kilala mo ako?
He just stared at me. Makahulugang nakangiti sya saken. Ako naman tong ayaw magpaapekto, pero nanginginig na ang mga tuhod ko!
"How can you forget me Mia? I'm your first kiss, remember?"
FIRST KISS?!
Wait.
Meaning. .
Sya si ABE??!!??!!!
-
All through out the story POV lahat ni Mia. Siguro pag mejo deep na, i'll put a chapter na POV naman ni Abe. Thanks a lot for checking out my story.
:miakochan29onlyhara
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...