"ANONG GAGAWIN KO?!"
Halos mapasabunot ako sa ulo ko sa sobrang pagsisisi. Bakit ko pa ba ginawa yun?! Bakit ba inuna ko pa ang pride ko?! Nakakash*t talaga!
"Pres, okey lang naman daw sabi ni sir Cayetano, magsubmitt ka lang daw ng excuse letter sa kanya sa friday at pakukuhanin ka nya nung long quiz namen kanina."
Sabi ng Vice President ng Student Body council namen na si Ashley. Kaklase ko sya sa iba kong subjects at isa syang Architectural student. Sya siguro ang matuturing kong kaibigan dito sa Bagwis. Dahil tulad ko, member din sya ng SBC nung freshman sya. At ngayong ako na ang President ng council, sya ng ginawa kong Vice pres.
Sinabi nyang naglong quiz ang prof namen sa College Geometry. At isasama daw ang quiz na yun sa final grade para sa midterm namen.
Nakakapanlamig ang panghihinayang. Nakakainis!! Bakit kasi hindi ako bumalik?! Di sana di ako namomroblema ngayon?!
"Pres, okey lang naman daw eh. Tsaka, nag alibi na lang ako na masama ang pakiramdam mo. Buti na lang walang umangal kanina sa mga classmates natin. Kaya nag consider si sir. Alam mo naman na favorite ka nun."
Eto ang gusto ko kay Ashley. Kahit di kami masyadong close, she always have my back. Tinutulangan nya ako sa mga panahong nangangailangan ako, at palagi syang sumusuporta sa mga desisyon ko. According to her, i'm her bestfriend. Dahil ako lang daw ang nagrerecognize sa kakayahan nya.
Totoong may kakayahan sya. Mahiyain lang sya at simple, pero di hamak na mas matalino sya saken. Sya ang top 1 sa college nila.
"Salamat Ash, tinulungan mo na naman ako. Babawi ako sayo sa susunod."
"Naku, wala yun Pres. Kulang pa nga yun kompara sa mga ginawa mo para saken eh. " nahihiya nyang sabi.
"Ano ka ba naman Ashley. Wag mo nga isipin na may utang na loob ka saken. Dapat ka lang na maging Vice Pres kasi pag walang laman ang utak ko, ikaw ang nag iisip para sa council. Ewan ko nga kung bakit ako pa ang naging President ng SBC eh mas matalino ka naman."
"Hi-hindi no. Di ako magaling tulad mo. Magaling ka sa academics, pati na rin sa sports. At maganda pa ang leadership mo. Kaya nga idol kita eh."
Napangiti ako sa sinabi nya. Kung magkakaroon ako ng kapatid, gusto ko si Ashley. Ang cute2x nya at namumula pa sya palagi pagnagpupurian kaming dalawa. KAhit na may trust-issue ako sa pagbe BESTFRIEND, sya nga matuturing kong ultimate friend.
"Ang cute2x mo talaga Ash. Hehehe. "
Namula pa sya lalo. Haha!☺
"Ano nga pala schedules natin for this week?"
Mag uumpisa na naman kasi ang University SportsMeet next week. At kailangan kong ayusin ang schedule ko kasi kailangan ko ring mag practice para sa laro namen. Volleyball player ang peg ng lola nyo. Kaya mahahati na naman ang katawang lupa ko sa mga activities sa susunod na linggo. Haiiiih!! Ang busy ng buhay ko!
"Makikipagmeeting daw ang lahat ng school org satin sa friday Pres. Gusto nilang humingi ng permit na makagawa ng activities sa U-Sportsmeet. At tsaka, mamaya palang hapon, ipapatawag tayo ng Admin for our budget meeting at para narin daw sa SBC project na pino propose natin."
"Good. So dapat kasama ka mamaya ha. At itxt mo rin yung Sec, Treas at Audit natin na sumama sa meeting."
"Okey Pres."
Andami ko pa dapat gawin, pero iisa isahin ko tong lahat. Sana kayanin ng powers ko.
"Ahhh, Pres, pwede ba akong magtanong?"
"Sure, go ahead."
"Kilala mo ba yung transfer student sa klase kanina? Kasi ikaw lang yung nakita kong kinausap nya eh."
Naalala ko na naman si BWISET. Di ko na masyadong mafocus ang galit ko sa kanya ngayon dahil sa mga responsibilidad ko as Pres. Buti na lang talaga nahabag pa ang langit saken at makakakuha pa ako nga long quiz sa friday. Kung hindi lang sana ako pineste ng lalaking yun, hai nako.
"Hindi ko sya kilala Ash, at di ko kailan man kikilalanin ang presko at bully nayun. Nang dahil sa kanya, kailangan ko na namang mag aral mamaya. Wala na naman akong pahinga."
-
I got nothing interesting for now. Mejo wala parin ako idea pano magiging epic ang pagkakakilala ni Mia at Abe. Basta ito muna. Away muna. Hihihi
:miakochan29onlyhara
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romansa-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...