Flashback. .
Di ako makapagsalita. Nakayuko lang ako. Kahit na bata lang ako, alam ko ang nangyayari.
Si nanay, iyak ng iyak. Kanina pa kahit nung papunta palang kami kina Abbygail. At ngayon sa harap ng papa nila.
Di ko parin matanggap ang mga sinabi ni sir Gabriel. Kahit isipin ko ayokong maniwala.
Kaya pala. Kaya pala ganun ang buhay namen. Kaya pala kapag tinatanong ko si nanay tungkol kay tatay di ako sinasagot ni nanay.
Kaya pala. .
Ang sakit. Ang sikip2x ng dibdib ko. Nagagalit ako, nalulungkot, at naiiyak.
Bakit?!
"Alam mo ang mangyayari kapag nalaman ito ng pamilya ni Luis, Mila. Nakikiusap ako sayo. Magpakalayo layo kayo ni Mia. Bibigyan ko kayo ng sapat na pera para mag simula."
"P-pero sir Gabriel, wala kaming ginagawang masama ng anak ko. Itong trabaho ko sa inyo. Ito lang ang ikinabubuhay namen. Ayokong magulo kami ni Mia."
"Gusto ko kayong protektahan, Mila. Kaya ko ginagawa ito. Di magtatagal malalaman ni Criselda ang totoo. Kaya dapat na makaalis kayo sa lalong madaling panahon. Natatakot ako sa kaya nyang gawin. Kilala ko ang babaeng yun. Swapang at makasarili sya. Kaya namatay si Luis dahil iniisip lang ng Criseldang yun ang kayamanan ng kapatid ko."
Iyak lang ng iyak si Nanay. Ako, kahit nakayuko ako umiiyak.
Iniisip ko palang na lalayo kami ni Nanay sa lugar na iyon, sumasama na ang luob ko. Paano na si Abeng at Abe? Ang mga kaibigan ko sa luoban? Saan Kami pupunta ni nanay?
"Di parin ako makapaniwala. 12 years na hinanap kayo ni Luis, Mila. Hanggang namatay ang kapatid ko kayo parin ang iniisip nya. At parang biro ng tadhana na sa aken kayo nagtrabaho. Ikaw pala ang hinahanap ni Luis."
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...