.
.
Flashback. .
" Ikaw na kasi maglagay! Ang kulit mo talaga!"
"No! Dapat ikaw! YOU PROMISED!"
Halos mabingi ang ibang bata sa park sa sigawan ng dalawang batang naglalaro ng prinse-prinsesahan.
"Mia! You promised me! Ikaw ang servant ko ngayong araw! So, ikaw ang maglalagay ng crown sa head ko!" Ingos ni Abbygail sa kalarong si Mia.
"Narinig mo ba akong pumayag sa gusto mo? Alam mo naman na ayoko ng ganitong laro di ba? Bakit ba kasi ang pilit- pilit mo? Kainis ka naman Abeng eh! Gusto kong sumali kina Bebang magsyokol!" Inis na sagot ni Mia.
Hindi sa ayaw nyang kalaro si Abbygail, pero nakakaramdam kasi sya ng hiya sa tuwing maglalaro sila ng prinsesahan. Asiwang asiwa sya basta pangmahinhin na laro ang gusto nitong laruin nila. At palagi nitong pinagpipilitan na magkasama sila. Ewan nya ba. Mukha syang gusgusin pero, kung ituring sya ni Abeng eh para syang manika na ayaw nitong maglalayo silang dalawa.
Labandera ng pamilya nila Abbygail ang nanay nya. At nang minsang dinala sya ng nanay nya sa bahay ng mga ito, instant ang attachment nito sa kanya. Minsan nga iniiyakan sya nito pag umuuwi na sila ng nanay nya.
Espesyal na kaibigan nya si Abeng, kaya nga pag nang aaya itong maglaro sa kanila ay pinagbibigyan niya, pero pag nasa park sila, at maraming bata, palagi silang inaaway lalo na sya.
Sinasabihan sya ng iba na sipsip sya at ambisyosa dahil daw kinaibigan nya sa Abbygail. Pero hindi naman sila pinapansin ng huli. Kaya sya na lang ang inaaway ng mga ito at sinasabihang lumayo sa kaibigan nya.
Kung minsan naman si Abbygail ang inaaway at sinasabihan na hindi sya pwede sa park, na umalis daw silang dalawa dun. Pero matapang na bata sa Abeng. Nang minsang may nang away sa kanilang dalawa, pinagtanggol sya nito, at sinigawan ang ibang bata na wag daw silang istorbohin at ang pamilya naman daw nila ang may ari ng park. Kahit medyo hambog si Abeng, totoo naman ang sinasabi nito. Ang pamilya nito ang may-ari ng compound at lupa na tinitirikan ng mga bahay nila. Ganun sila kayaman."Please Mia, be my servant na for today, pretty please!"
"Hmmmm. . Si-sige na nga! Akin na nga yang korona mo."
"Thank you bestfriend!" Sabay yakap sa kanya.
Nasa kalagitnaan sila ng paglalaro ng may tumawag sa kanya.
"Mi! Tara laro tayo ng syokol!"
Si Bebang, isa sa mga batang matagal nya nang kilala at kalaro. Kapit-bahay nya rin ito at classmate sa eskwelahan. Pero sa di malamang dahilan, ayaw nya itong kasama. Masyado kasi itong pala away at maarte at may grupo itong kagaya rin nito. Mas maarte pa ito kesa kay Abeng. Sya lang ata ang di nito kayang artehan at awayin. Takot lang nito na isumbong nya ito kay aling Patring, ang nanay ni Bebang.
"Teka sandali lang!" Sigaw nya.
"Mia? Please don't leave me. Play with me only, please?" Sabay puppy eyes pa ni Abbygail.
"Abeng, di naman pwede yun. Gusto ko rin na makipaglaro sa ibang ko pang kaibigan. Kung gusto mo, sali ka sa amin."
"B-but, I don't like them nila ako."
"Wag kang mag alala, kasama mo naman ako eh. Or kung ayaw mo talaga, uwi ka na lang, hatid kita sa inyo."
Parang gusto nitong umiyak, tahimik lang ito habang sya ay atat na atat ng umalis. Ng tatalikod na sya. .
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...