Mia's POV
Hirap na hirap na hirap na ako.
Para akong nag aalaga ng bata!
Nakakatatlong araw palang kami dito sa bahay ni Abraham, gusto kong nang isumpa ang buhay ko.
Lord! Tulong naman po oh!
Di ko na kaya ang pag uugali ni Abraham!
Nung unang araw namen dun, muntik na akong mag alsa balutan sa mga pinapagawa nya saken. May mga oras na nasa school ako at may ginagawa sa council office, tatawagin nya ako para lang bumili ng mga bagay na kailangan nya. Ewan ko nga kung talagang kailangan nya ang mga yun. Kasi sinasadya nya talagang pahirapan ako lalo na pag nasa school ako.
Ng sumunod na araw, binigyan nya ako ng metal baller. Di ko alam kung para saan yun, pero nung mag vibrate yun at itanong ko kung bakit ganun, sinagot lang ako ni Abraham na pag nag vibrate yun, ibig sabihin may kailangan sya saken.
Nainis ako, kasi akala ko gusto nya lang akong bigyan ng baller. Tinangka kong tanggalin ang baller pero dahil metal yun at mahigpit ang pagkaka fit sa kamay ko, eh di nganga na lang ako.
Si nanay, alam kong nagdududa na sa mga kinikilos ko. Nung unang gabi namen, ayaw nyang humiwalay saken sa kwarto. Nagsinungaling ako sa kanya, na gagawa ako ng term paper kuno. Sinabi ko pang magpupuyat ako buong sem kasi kailangan kong magawa yun. At yun ang gusto ni haring Abraham. Tsk.
Haist! You're such a liar. Mia!
"Mi. Are you okey?"
Naputol ang pag iisip ko dahil kay Ashley. Nasa 3rd council meeting kami at nag rereport ang treasurer. Tinanong ata nito kung ano ang reaksyon ko sa financial report.
"Ah, proceed Annie."
Tiningnan nila akong lahat.
"Tapos na ang report ko Pres."
Yikes! Tapos na pala ang report nya?! Nakakahiya naman, di ako nakikinig sa mga sinasabi nila.
Nang matapos ang meeting, kinailangan ko pa munang reviewhin ang mga nireport nila. As president kailangan kong masiguro na totoo at accute ang details ng nga documents.
Nagsiuwian na ang lahat maliban kay Ashley.
"Distracted ka lately, pres. May problema ba?"
Tinitigan ko sya. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Pero mauungkat lang nun ang nakaraan. Kaya nagsinungaling na lang ako.
"Wala Ash. Pagod lang siguro to."
"Are you sure Mi? Kasi napapansin ko lately parang aligaga ka. Parang nagmamadali kang umalis. Tapos kapag nandito ka naman, palagi kang tulala. Tell me, is that guy bothering you again?"
Parang gusto ko na lang na magpahigop sa lupa sa mga sinabi ni Ashley. Totoo ang lahat ng yun. Pero pano ko masasabi ang totoo kong sitwasyon? Parang binuko ko na rin ang sarili ko nun.
At yung binabanggit nyang lalaki, si Abraham yun. Gusto ko ngang ipagsigawan na Oo, sya ang nagpapahirap saken. Pero laging umuurong ang konsensya ko.
"Wala to Ashley. Nag aalala lang ako kay nanay kasi wala syang kasama sa bahay."
"Oh right. Kamusta pala yung paghahanap nyo nang bagong tutuluyan? Nakahanap na ba kayo?"
•﹏• Lagot na! Namention ko pa kasi si nanay!
"Ah. . Oo Ash. Ahm. . Kamusta palang yung ibang events? Naka pack up na ba ang ibang food stalls?"
"Okey na man yung cultural events natin. Actually kakatapos lang nun kanina at thank God successful yun. At yung ibang food stalls naman di pa nagko close kasi hinihintay nila ang finale ng U-week. Magbabayad na lang daw sila ng additional rent para sa mga susunod na araw. ."
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Romance-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...