FLASHBACK
PART II
.
.
LITTLE MIA'S POV
Mula nang araw na yun, nang makilala ko ang kakambal ni Abbygail, pakiramdam ko naging hikain na ako. Ewan ko ba, lumalakas kasi ang tambol ng dibdib ko at hindi ako makahinga pag nagkikita kami. Di rin kasi maiiwasan kasi palagi na lang ako hinahatak ni Abeng sa kanila. Isang araw nga, sinundo pa talaga nya ako sa bahay namin. Bruhilda talaga.
Lagi lang syang tahimik. Iniisip ko nga baka pipi sya. Kasi, tinitingnan nya lang kami ni Abeng pag naglalaro. Etong si Abeng naman, panay ang yaya sa kapatid nya na sumama sa amen kung saan2x, at dahil nga magkapatid, sunud-sunuran naman si Abraham. Ako lang ata ang naiilang sa sitwasyon namen.
Nang araw na yun, masyadong naglilikot si Abbygail. Dinala kaming dalawa ng kuya nya sa kwarto nya.
Naman, an-sakit nang color pink sa mata! Pink room ata itong napasukan ko. Kainis na kulay!
"Anong ginagawa natin dito Abeng?"
"I want to play manika-manika. Dito tayo sa room ko maglalaro."
"Di ba pwedeng sa playroom nyo na lang?" Habang tumatagal lalo akong naiirita. Nakakabanas ng utak!
"No, I want to play here. Di ba kuya you to play here also?" Ngumisi pa ang lokaret.
Tumango lang si Abraham. Grabe, nakahanap pa ng kakampi tong si Abeng. Tsk tsk.
"Ano ba gagawin naten?" Napakamot na lang ako sa ulo. Wala namang kakampi sakin eh. Hai. .
"Come! Let's go to my closet!"
At hinatak nya ako papasok sa isang pinto na tinawag nyang 'closet'. MayGahd. Hindi yun closet, kwarto yun! Kwarto na puno ng mga damit, sapatos at kung ano2x pang mga gamit pambabae. Napa 'Wow' na lang ako sa mga nakita ko. Nakakainggit naman. Ganun lang kadali sa kanila na makuha ang mga gamit na gusto nila. Ang swerte ni Abbygail at Abraham, dahil pinanganak silang mayaman.
TEKA LANG.
Erase! Kelangan kong alisin tong inggit na sa dibdib ko. Di ko naman dapat nararamdaman to ah. Hai!! Eto na naman ako sa binabaeng feeelings ko. Bakit ba kasi pinanganak akong babae eh!
"Hey Mi! Halika dito!"
Napupudpud na ang anit ko sa kakakamot ko. Hai, sana matapos na ang bwisit na araw na to.
Sige, Mia. Maging tuod ka at sundan-sundan mo yang makulit na bestfriend mo!!
"Look!!"
Napakurap na lang ako sa nakita ko. Di ako makapaniwalang nasa harap ko lang yun! Grabe! Naihi ako sa ganda!!
"It's nice di ba? Come, try it na!"
Wah?! Ano daw?! Ako magsusuot nun?! P-pero, ang ganda2x talaga! Nakikita ko lang to sa tv ni aling puring dati, tapos ngayon, ipapasuot sakin ni Abbygail?!
"B-bakit?. ." Dyasko, nautal na ako!
"Because, you will look pretty in this! You see, it's not pink naman eh, it's red, and i know na fave color mo ang red. Sige na! Try mo na Mi!"
"Abeng, k-kasi, baka masira ko yan. Di namin kayang bayaran yan."
"E di gift ko to sayo, daddy wouldn't mind naman eh. I have a lot of dresses pa."
BINABASA MO ANG
my sweet surrender
Storie d'amore-he's an engineering sophomore, two years behind me. at di ko alam kung bakit sa lahat pa ng taong maggugulo saken, sya pa? Ulit? Will the past haunts me again?- Mia is a consistent straight A student in Bagwis Uni. President ng Student body, role m...