Kabanata 2

9 1 0
                                    

"Lorenz wag mo kong artehan!!"
Sigaw ng daddy na ikinagulat naman niya dahilan para yumuko.

Bigla namang nagising si Elish dahil sa sigaw na iyon.

"Mommy..."
Tawag niya sa kanyang Ina.

Mabilis namang tumayo si Elaine para puntahan ang anak niya.

"I had a bad dream"
Malungkot niyang sambit ng makarating sa harap niya ang kanyang Ina.

"Ano yun?"
Tanong naman ni Elaine.

"We die, I'm scared"
Agad namang lumapit ang kanyang ama ng marinig iyon.

"No baby hindi mangyayari yun, ok?"
Sabi ni Marl at binuhat ang anak.

8:00am na din ng umaga dahil sa biglang tumonog ang alarm nila sa phone ni Elaine.

Kung di sila sana na flattan siguro nakarating na sila exact 8am sa bahay ng Lola ni Elish.

____

"Ano ba trespassing kayo!"
Sigaw ng isang katulong dahil sa may mga armadong Amerikanong mga lalaki ang nakatayo sa loob ng bahay nila at yung iba ay nang-gugulo pa.

"Where's Mr & Mrs. Sy???!!"
Sigaw ng isang Amerikano.

"Wala dito ang hinahanap niyo!"
Sigaw naman ng isang katulong sa bahay na ito.

"Nasan sila!"
Tanong naman ng isang kalbong matangkad na lalaki na may dalang baril.

"Mamamatay kayo pag di kayo nagsalita!"
Dagdag pa ng kalbo at iritang-irita na ito.

"Umalis sila---

"Jen huwag mong sabihin!!"
Pagputol ng isang katulong gamit sa pagsigaw pero yun ang pagkakamali niyang nagawa.

Bang!

"Waahhhh!!"
Umalingaw-ngaw na sigaw sa loob ng bahay.

Binaril lang naman siya ng lalaking katabi nito.

Mukhang atat na atat silang malaman kung nasaan ang mag-asawa at ang anak nila.

"What's happening here!!"

May biglang sumigaw malapit sa pintuan dahilan para mapalingon ang lahat dun.

"Who are you?"
Someone asking.

"I'm Sandra A. Uberas! Pwede ko kayong kasohan ng trespassing and murder, gusto niyo idispatya ang dalawang abogado dahil sa kaso ng boss niyo??? Pinadala ba kayo ng senador?"
Mahabang litanya nito.

Hindi siya takot at matapang siyang humarap sa lahat.
Ganon siya ka confident ipaglaban ang kung anong alam niya.

At kahina-hinalang bigla nalang umalis ang lahat.

"Tara na!"
Sigaw ng kalbo sa mga kasamahan niya.

Binitawan naman nila ang mga katulong saka walang pasabing umalis.

"Ayos lang na kayo??"
Alalang-alala na tanong ni Sandra.

"Nasan nga ba talaga sila?"
Tanong niya sa mga katulong habang isa isa niya itong tinutulongan patayo.
Habang may isa namang wala nang malay at masasabi mong patay na ito.
Binaril kasi siya sa ulo kanina.

"Dalhin niyo siya sa hospital"
Alertong aniya ng mayordoma ng bahay kaya nagsitulongan silang patayo ang naghihinagpis nilang kasamahan.

"Nanny Stella"
Tawag ni Sandra sa mayordoma ng bahay.

The Title (Childhood)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon