Pagkatapos sabihin ni Lorenzo kay Tesha iyon ay agad siyang tumalikod at umalis.
At pagkapasok niya sa pintuan nagulat siya ng makitang nakatulala si Lorenz at katabi nito si Manang Stella.
"Lorenz?"
Gulat niyang pagtawag at mabilis na nilapitan ang bata.
Hinawakan niya ito sa magkabilang braso."May narinig ka ba?"
Dagdag niyang tanong at niyakap ang bata."Hindi ako tunay na Anak ni Mommy?"
Tanong niya.
Napapikit naman si Lorenzo."Sorry hijo pilit ko na siyang pinapatulog pero hindi ko siya matiis, nagpupumilit kasi"
Sabi pa ni manang."Kaya pala lagi siyang galit sakin"
Dagdag ni Lorenz.
At bigla namang sumulpot si Tesha sa pintuan at nagulat din sa pangyayari.Pero kahit na ma guilty inirapan niya ang mga ito at padabog na umalis doon.
"Always remember Lorenz how much Daddy's love you"
Sabi pa ni Lorenzo at hinalikan si Lorenz sa noo.
Biglang napaluha si Lorenzo ng makitang luhaan ang Anak niyang si Lorenz. Mapungay din ang mga inosente nitong mga mata."Iniwan ako ng totoo kong Mommy bakit!?"
Sigaw niya at humagulgol pinapatahan naman siya ng daddy niya."Stop Lorenz, don't mind about your biological mother, the most important is.. that I'm here at your side and always be there"
Niyakap niya muli ang bata at sabay silang nag-iyakan.End of flashback
"Lorenz are you ok? Kanina ka pa tulala" tanong ni Elaine sa bata malungkot ang mukha nito.
"Lorenzo ano ka ba kanina pa kita kinakausap dito pero dedma ka"
Reklamo naman ni Marl kaya napatingin si Lorenz at ang Ama niyang si Lorenzo sa kani-kanilang mga mata.Bigla namang kinuha ni Lorenz ang candy na nasa mesa at walang pasabing kinain iyon.
"Ayos lang po ako"
Sagot ni Lorenz at tinuon ang mga mata sa pagkain."Yang Anak mo mukhang matalino"
Sabi ni Marl habang naka'y Lorenz ang kanyang mga mata."Pero halatang ang lungkot niya"
Dagdag nito."Gusto mo? Luto ng Mommy ko yan"
Bigla namang lumapit si Elish sa gawi ni Lorenz pero umirap lamang ang bata."Kaya nagiging suplado siya dahil sa lungkot"
Dagdag pa ni marl dahilan para tumingin si Lorenzo sa kanya."Ito Lorenz mahilig ka dito diba?"
Bigla namang aniya ni Lorenzo at inalok ang anak sa pagkaing hawak niya.Inihaw na shrimp iyon na wala nang balat.
"Elish gusto mo?"
Alok naman ni Lorenzo pagkatapos bigyan ang anak."Ay hindi Lorenzo allergy siya diyan"
Sabi pa ni Elaine at kinuha sa kamay ni Lorenzo ang inalok niya sa bata at siya na mismo ang kumain.
Nagbalik kwentohan naman sila at tawanan habang si Elish naman ay pilit kinakausap si Lorenz kahit hindi siya nito pinapansin.At ang gabing yaon ay naging mas masaya at special.
Kinaumagahan.
Ginawa na nila ang kanilang plano na ipalabas sa media ang relasyon ng dalawang bata.
Nilagay din nila doon na aalis ng bansa si Elish kahit ang totoo ay itatago nila si sa mansyon ng mga Abielo.Dahil nagsisimula na sila.
Mga bandang 4am ng umaga nakarating ang dalawang bata sa mansyon ng mga abielo habang ang mag-asawang Sy naman ay nagtungo sa kanilang bahay.
Dahil niligpit nila ang gamit ng anak at ipinasok ang iba sa maleta dahil papalabasin nilang aalis si Elish ng bansa.
At habang nakatira ito kila Lorenzo na hindi pa tapos ang kaso hindi nila papalabasin ang bata at tamang tama na wala roon si Tesha dahil out of town siya dahil sa contract daw at di pa alam kung kailan ang balik niya."Alagaan mo siya Lorenzo"
Maluhang aniya ni Elaine at niyakap ang anak, ganon din ang ginawa ni marl."Elish pakabait ka dito ha, babalik kami, may kailangan lang taposin si Mommy at Daddy ha"
Sabi pa ni Elaine at hinalikan ang bata sa pisngi."Baby ang bilin ni Daddy ha, be kind at huwag kang umiyak"
Dagdag naman ni Marl at hinalikan din si Elish sa pisngi.Umalis na din silang dalawa pagkatapos magpaalam.
Napaluha man si Elish pero nakatatak sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang mga magulang na huwag umiyak kaya naman ngumiti siya.
Hindi na nila kinunan ng gamit si Elish sa kanilang bahay at ipinadala sa mga Abielo baka kasi malocate sila pag-ganon.
Kaya minabuti nilang pabilhan nalang ang bata sa mga katulong nila Lorenzo ang mga gamit na dapat niyang gamitin."Elish tama? Halika hija pasok ka dadalhin kita sa kwarto mo"
Sabi pa ni manang stella at inakay si Elish papasok sa bahay.Alam na ni Manang Stella ang tungkol kay Elish na titira siya sa mga Abielo.
Pumasok na din silang lahat sa loob at simula ngayon sarado na ang gate ng mga Abielo bawal magpapasok ng kung sino kung hindi mismo si Lorenzo ang nagsabing papasukin sila.
At tungkol naman sa mga kaibigan ni Lorenz na laging pumupunta diyan, susunduin sila sa kani-kanilang bahay ng walang kasama at sila din mismo ang hahatid sa mga yon."Manang alagaan at bantayan mo ng mabuti ang tatlong bata, Lalo na si Elish baka awayin siya ni Lorenz"
Sabi pa ni Lorenzo.Tumango naman si manang stella.
Si Lorenz nga pala ay nasa kwarto na niya at nakahiga na, pagod ito sa byahe kaya naman iidlip muna siya tutal medyo madilim pa naman.
"Hija halika ihahatid kita sa kwarto mo"
Sumunod naman si Elish kay manang.
At ng makarating siya sa kwarto na tutuloyan niya bigla niyang namiss ang kwarto niya sa bahay nila.
"Kailan babalik sila mommy?"
Tanong naman ni Elish kay manang at malungkot naman si Manang Stella dahil doon kaya naman pinantayan niya si Elish at tinignan sa mata."Babalik sila at susunduin ka nila dito, pero sa ngayon dito ka daw muna, huwag kang mag-aalala ako magiging kasama mo dito"
Sabi pa ni Manang Stella at napangiti sabay yakap kay Elish.Naalala naman niya ang anak niya dati na ngayon ay di na niya alam kung nasaan na ba.
Knock! Knock!
May bigla namang kumatok kaya lumapit si manang doon at binuksan ang pinto sa kwarto ni Elish.
"Manang Stella ito po ang mga gamit na pinabili sa amin ni sir para po daw kay Elish at ang laman ng box na ito ay mga laruan daw"
Wakas ng kabanata 5
BINABASA MO ANG
The Title (Childhood)
Fanfic"Hi ako si Chin Elisha Maureen L. Sy, Ikaw ba sino ka? Ang pag-ibig ay may kapangyarihang akayin ka sa tamang lugar at tamang tao na makakapagpabago sa iyong buhay. Madali lang magmahal dahil natural mo itong nararamdaman. Mahalagang iwasan ang pagp...