"Hindi nakikipaglaro si Lorenz sa di niya kaibigan"
Aniya ni manang at nalungkot naman si Elish dahil dun."Ano ba ang ginagawa niya sa room niya ih ang boring"
Sabi naman ni Elish at parang nawalan ng buhay sa nalaman.Bored na bored ito at gusto niya ng kalaro.
"Bakit di nalang yung mga katulong manang, invite natin sila at maglaro tayo"
Aniya uli ni Elish na maslalong kina-iling ni manang."May mga trabaho sila hija at kailangan nilang taposin iyon"
Hindi na alam ni Elish kung ano pa ba ang dapat gawin dahil sa marami namang bawal.
"Hija dito ka muna ha, titignan ko muna doon sa gilid ang mga sampay kung maayos nila iyon nilagay"
Mahabang litanya ni manang at tumango naman si Elish.At ng tuloyan ng makaalis si manang Stella nilagok na ni Elish ang lemonade na ibinay sa kanya saka tumayo.
Inayos niya ang kanyang damit at dumaan na sa staircase.
Mahinhin ang lakad nito papunta sa taas at ng makarating siya agad niyang tinungo ang kwarto ni Lorenz at kumatok siya, mahina lang lamang ang pagkatok niya sapat na para marinig ng kung sino man ang nasa loob.
May nakaukit na ngiti sa labi nito habang ginagawa niya iyon.
Wala siyang salitang nilabas sa labi niya tanging pagkatok lang ang nagawa niya.
Pero ilang ulit na siyang kumatok at wala paring may nag bukas ng pinto.Kaya naman nag-isip siya at may naalala bigla.
Maslalo siyang ngumiti dahil doon.Kumatok siya ng napakalakas na halos may posibilidad na pwedeng marinig sa baba.
Knock! Knock! Knoc-----
Di niya na tapos ang kanyang ikatatlong katok ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang Lorenz John Abielo na animo'y akala mo kanina kabang-kaba na ito na biglang naging walang emosyon.
Ngiti ang ginawad ni Elish at magsasalita pa lamang siya ng biglang inunahan siya ni Lorenz.
"What?"
Malamig niyang tanong."Gusto sana kita I invite maglaro ih kasi naman ang boring dit------edi umuwi ka sa inyo"
Hindi natapos ni Elish ang kanyang sasabihin ng pinutol ni Lorenz iyon na ikinalunok ni Elish."Sige na please"
Pagpapacute pa ni Elish na akala niya siguro uubra iyon sa harap ni Lorenz ih halata namang walang gana sa kanya ang bata. Ekspresyon palang nito ay Hindi kana gusto."Ganito nalang gawin mo pumasok ka sa kwarto mo at huwag kang lumabas"
Sabi pa ni Lorenz at sasaradohin na sana nito ang pinto ng nagsalita si Elish ng pabalang."Sige ka isusumbong kita sa daddy mo na hindi mo sinunod ang dapat mong gawin"
Banta ni Elish kay Lorenz na ikinahinto naman nito.Hinarap siya nito at tamang-tama namang bumukas ang kabilang kwarto na ikinalingon nila ng sabay.
"Tezo?"
Tawag ni Elish kay Tezo.
At lalapitan niya sana ito ng may biglang kumalabit sa kanya."Tara na"
Sabi pa ni Lorenz at mahigpit na hinawakan si Elish sa kamay.Pilit namang inaalis ni Elish iyon dahil sa gusto pa niyang kausapin o kwentohan man lang si Tezo ng bigla siyang hatakin ni Lorenz.
"Wait"
Sabi ni Elish habang dumadaan sila sa staircase."Akala ko ba gusto mong samahan kita sa paglibot sa buong bahay na to"
Sabi pa ni Lorenz at hinarap si Elish."Kung ayaw mo edi sige"
Dagdag pa ni Lorenz at aalis na sana papunta sa taas ng hawakan ni Elish ang kanyang damit."Tara na"
Nakapuot nitong aniya, at sabay na silang bumaba ng staircase.At ng makababa lumabas sila ng pintuan at bumungad sa kanila ang malaking fountain na nakatayo sa gitna.
"Ang lapad ng bahay niyo no"
Palinga-linga ni Elish."Yung bahay kasi namin malaki naman pero hindi tulad nito"
Napairap naman si Lorenz dahil sa kadaldalan ni Elish.Sa totoo lang kaya lang naman sumama si Lorenz sa kanya kasi nga bored din ito, napagod na siyang maglaro ng chess ng mag-isa.
Sino ba namang tangang maglalaro nun ng walang kasama at Isa pa nahahalata niya kasing parang may something ang kuya niya kay Elish kaya minabuti niyang inisin iyon kaya hinatak niya si Elish."Kayo ang pinakamayaman sa pilipinas diba, pero di kayo makapagpagawa ng ganitong klaseng bahay?"
Sarkastikong tanong ni Lorenz."Marunong kasi kaming magtipid atsaka may tinutulongan kami"
Sagot naman ni Elish."Tsk!"
"Ang sabihin niyo buraot kayo"
Dagdag pa ni Lorenz.At walang nagawa si Elish kundi ang manahimik nalang dahil sa halata namang hindi magpapatalo si Lorenz sa kanya.
"Hija jusmiyo kang bata ka, hinanap kita kung saan-saan"
Hingal na sulpot ni manang Stella sa kanilang dalawa."Lorenz"
Pagtawag ni Manang Stella kay Lorenz na may pagkagulat."Sinunod ko lang ang sinabi ni daddy"
Pag explain ni Lorenz na hindi naman hinihingi ni manang ang explanations nito. Kaya naman napangiti si manang dahil sa sinabi ni Lorenz."Manang Stella tingnan niyo po ito"
Biglaang pag-sulpot ng isang katulong ng mansyon na may hawak na cellphone."Anak ng dalawang magkasunod sa industry ranking, engaged? Lorenz John Abielo na anak ni Eng. Lorenzo S. Abielo ay nakatakdang ipakasal sa anak ng mag-asawang Sy na si Chin Elisha Maureen L. Sy na anak ni Atty. Elaine at Atty. Marl Justine Sy-----"
Biglang pinatay ng katulong ang kanyang cellphone ng makitang may paparating na sasakyan dahilan para bumalik siya sa loob kung saan siya nagtatrabaho kanina.Napatingin naman si manang Stella sa dalawang bata, alam ni manang na may alam si Lorenz pero halatang hindi alam ni Elish.
Nakabusangot si Lorenz dahil sa napakinggan masama din ang kanyang mga titig kay Elish na parang kahit anong oras maari niya itong saktan.Isang van na itim ang huminto sa harap ng mansyon ng mga abielo.
Bumaba ang driver at binuksan ang van.Biglang nagbago ang mood ni Lorenz ng makilala kung sino iyon.
"Gab!"
Sigaw ni Lorenz ng unang lumabas si Gab pero mabilis mapunta ang mga mata ni Gab sa mga mata ni Elish.
Kunot noong nakatingin si Gab kung sino ang babaeng kaharap niya na para may sense na kilala niya ito."Lorenz!"
Isang matinis na boses ang sumunod kasabay ang dalawang lalaking hindi maganda ang mood."Ace, Justine"
Ngiting tawag ni Lorenz sa kanila at inakbayan ang mga ito.Wakas ng Kabanata 9
BINABASA MO ANG
The Title (Childhood)
Fanfiction"Hi ako si Chin Elisha Maureen L. Sy, Ikaw ba sino ka? Ang pag-ibig ay may kapangyarihang akayin ka sa tamang lugar at tamang tao na makakapagpabago sa iyong buhay. Madali lang magmahal dahil natural mo itong nararamdaman. Mahalagang iwasan ang pagp...