Kabanata 11

7 2 0
                                    

("Ano Lorenzo??! Masmahal mo si Lorenz sa kabit mo??!!!")

Hindi na mapigilan ni Lorenzo ang kanyang galit kaya pinatay niya ang call at tinapon sa sofa ang cellphone.

"Sumusobra ka na"
Galit na niya nito at kinuha ang coat niya.
Lalabas na sana ito ng opisina niya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mag Asawang Sy.

"Lorenzo"
Pagtawag ni Elaine may dala itong isang basket ng prutas.

"May alam na kami kung pano patumbahin si Mr. Dela Cruz"
Aniya ni marl.

Pinapasok naman sila ni Lorenzo at pina-upo sa sofa.

"We plan na next week aalis na ng bansa si Elish"
Pangunguna ni Marl sa usapan ng makaupo na.

"Ito mga papeles yan at meron kaming CCTV na nakuha pa galing sa ilocos Norte kung saan kina-usap niya ang doctor"
Aniya ni Elaine at binuksan ang brown envelope. Mga picture ang laman nun na ang iba ay ang brutal pa.

"Gagong senador"
Bigkas ng labi ni Lorenzo at napangisi.

"Help us Lorenzo at tutulongan ka rin namin ng walang bayad"
Sabi pa ni Marl at umayos ng pagka-upo.

"Hindi senador ang kalaban ko at Isa pa tulong ito ng walang kabayaran"
Aniya ni Lorenzo at bumuntong hininga.

"Tutulongan ko kayong paalisin si Elish papuntang ibang bansa ng walang may makakaalam, Basta siguradohin niyo lang na hindi madawit ang pangalan ni Lorenz"
Mahabang litanya nito.

Napapatanong ang Ilan kung bakit ganon nalang si Lorenzo para sa anak niya ih samantalang nung sa sabihin niya na I arrange ang dalawang bata parang siya na rin mismo ang dumawit sa pangalan ng anak niya.
Bakit nga ba yun ang kondisyon niya?

"Makakaasa ka"
Sabi pa ni Elaine at tumingin sa Asawa.

Sa kabilang linya naman kung saan ang mga bata ay nag-lalaro masaya ang mga ito habang ang dalawa naman ay nakangiting nagku-kwentohan sa isa't isa.

"Hindi naman po kuya"
Sabi pa ni Elish kay Tezo.

Napangiti naman si Tezo at natutuwa sa kausap nito.

"Ang ganda pala pakinggan ang salitang kuya"
Sabi pa ni Tezo.

"Bakit si Lorenz ba hindi ka niya matawag ng ganon?"
Tanong ni Elish napa-iling naman si Tezo dahilan para kaawaan siya ni Elish.

Tama, simula noong nalaman ni Lorenz na hindi niya tunay na Ina si Trisha hindi na niya tinatawag na kuya si Tezo.

"Ako gustong gusto ko magkaroon ng kuya, kaso yun nga lang nag-iisang anak ako"
Litanya ni Elish.

Nga pala nakaupo sila sa hagdan sa labas ng bahay nila kung saan malapit sa malaking pintuan ng mansyon.

Sila Lorenz naman ay masayang naglalaro at halatang may plano silang umalis dahil sa nagliligpit sila.

"Sa'n kayo pupunta?"
Tanong ni Elish at sasagot sana si Fatima ng sumenyas si Lorenz kaya naman ngumiti nalang si Fatima kay Elish bilang sagot.

"Si Lorenz spoiled brat siya kaya nga laging galit sa kanya si Mommy...makitid kasi ang utak niya at selfish gusto niya nasa kanya lahat ang atensyon ni Daddy, at alam mo kaya ayaw niyang may umaaligid sa mga kaibigan niya kasi ayaw niya mawalan"
Litanya ni Tezo para mapatingin si Elish sa mga mata niya.

"Bakit?"
Tanging tanong lang ni Elish.

"Ewan talagang ganyan siya umasta kala mo kung sino"
Sagot naman ni Tezo.

Napabuntong hininga naman si Elish.

"Kung ganon siya bakit di mo turoan, kuya ka diba...kung ganon ang ugali niya edi turoan mo"

Napairap si Tezo sa sinabi ni Elish, at di na rin nila maaninag sila Lorenz dahil lumipat ang mga ito ng pwesto.

___

"Ayaw na ayaw kong ngumingiti ka sa kanya Fatima"
Diing aniya ni Lorenz at mahigpit na hinahawakan ang bola.

"Bakit?"
Tanong naman ni Fatima dahilan para mapatingin sa kanya ang mga iba pa nilang kaibigan.

"Dahil kriminal sila"
Sagot ni Ace.

Napairap naman si Fatima dahil doon.

Di natin sila masisisi kung bakit ganyan sila mag-isip dahil wala pa naman sila sa wastong gulang.

"Bakit siya nandito Lorenz?"
Inosenteng tanong ni Justine dahilan para maslalong mainis si Lorenz kaya tinapon niya ang bola kay ace.

"Dahil busy ang parents niya"
Sagot ni Lorenz. Pero hindi na kuntento si Justine.

"Pero kakalabas lang ng balita"
Dagdag pa ni Justine kaya naman biglang na curious ang lahat.

"Balita?"
Tanong naman ni Gab.

"Anong balita?"
Sabay na tanong ni Fatima at Ace.

Kitang kita sa mga mata ni Lorenz na alam niya pero nagkunwari ito.

"Anong balita?"
Tanong din ni Lorenz at kinuha ang bola kay Ace at walang pasabi siyang nag-shoot.

"Engagement"
Bigkas ng labi ni Justine dahilan para mapahinto si Lorenz at mapakumo ng kamao.

Sa utak ni Lorenz parang napakawalang kwenta ng daddy niya dahil sa di man lang tinanong ang nararamdaman niya bago ipalabas ang balitang iyon at Isa pa di rin niya alam kung talagang close ba ang pamilya nila.

"Engagement??!"
Malakas na tanong ni Ace.

"Engagement?"
Na sinundan naman ni Tezo na kakarating lang.

Napalingon silang lahat sa kanilang likod dahil sa paparating na Tezo at Elish.

"Sino?"
Dagdag ni Tezo at lumapit talaga sa pwesto nila.

"Anong ginagawa mo dito? Chismoso ka"
Diing tanong ni lorenz at humarap.

"Sinong nagsabi sayo na pwede ka dito"
Dagdag ni lorenz at lumapit sa pwesto ni Tezo.

"Alis"
Diing bigkas ng labi ni Lorenz dahilan para ma inis din sa kanya si Tezo.

Si Elish naman ay gulat na nakatingin sa dalawa.

Ang tatlong magkaibigan naman ay hindi na nagulat dahil sa alam naman nila kung paano mag away ang dalawa.

"Sabing alis!"
Durong sigaw ni Lorenz at tinulak si Tezo.

"K-uya...Tara na"
Takot na aniya ni Elish dahil sa kakaiba ang mata ni Lorenz kung tumingin.

"Kuya!?"
Diing tanong ni Lorenz. Gulat na gulat ito sa tinawag ni Elish si Tezo na kuya.

"Mukha bang kuya yan?!"
Sigaw niya at tinuro pa talaga si Tezo.

At ang mga kaibigan nito ay tahimik lang, kilala kasi nila si Lorenz, pag-galit o may kaaway ito huwag kang makisawsaw kung ayaw mong mapaalis sa grupo.

"Sobra ka na ha!"
Sigaw ni Tezo at matapang na hinarap si Lorenz.

"Wala naman talaga akong planong magpakuya sa spoiled brat na gaya mo"
Bigkas ng labi ni Tezo.

"Alis"
Sagot lang ni Lorenz sa kanya, umirap naman si Tezo at walang pasabing umalis.

Naiwan naman si Elish na nakatingin kay Lorenz.

Wakas ng Kabanata 11

The Title (Childhood)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon